Dagdag na P2K pensyon sa SSS may pag-asa sa Duterte govt
Hindi pa nawawalan ng pag-asa si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na maibibigay ang dagdag na P2,000 sa mga pensyonado ng Social Security System.
Ayon kay Colmenares nakikita nila na maibibigay ang dagdag na pensyon sa pagpasok ng Duterte administration sa Hulyo.
“The battle was not in vain because it has made pension increase a national agenda and gained the support of many. The chances of increase has become a possibility because of that battle by our senior citizens, which would not have been there had the bill not been filed,” ani Colmenares.
Sinabi ni Colmenares na muling ihahain ng Bayan Muna ang panukala sa 17th Congress.
Naaprubahan ng Senado at Kamara de Representantes ang panukala subalit ito ay na-veto ni Pangulong Aquino dahil malulugi umano ang SSS.
Tinangka ni Colmenares na baliktarin ang veto sa pamamagitan ng two-thirds vote ng Kamara subalit hindi ito pinagbigyan.
Sinabi ni House majority leader Neptali Gonzales II na kahit na magtagumpay si Colmenares sa Kamara hindi na ito maaaksyunan ng Senado na nag-adjourn ng mas maaga sa kanila kamakalawa.
Naniniwala si Colmenares na hindi siya pinagbigyan na magbotohan dahil natatakot ang liderato ng Kamara na mapahiya si Aquino.
30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.