Muhammad Ali malaking impluwensiya sa buhay ni Pacman | Bandera

Muhammad Ali malaking impluwensiya sa buhay ni Pacman

Cristy Fermin - June 07, 2016 - 12:05 AM

manny pacquiao at muhammad ali

“WE lost a giant today,” bahagi ng opisyal na pahayag ng pakikidalamhati ng Pambansang Kamao dahil sa pagpanaw ng “Greatest boxer of all time” na si Muhammad Ali, Casius Clay sa totoong buhay.

Sa edad na 74 ay namaalam na nga ang dinambanang boksingero ng buong mundo dahil sa sakit na Parkinson’s, isang uri ng karamdaman na nagkakaroon ang mga boksingero, dahil sa madalas na pagkalog ng kanilang utak sa kanilang mga laban.

Hindi napanood ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang mga laban, pero nakilala nito ang ilang miyembro ng pamilya ng greatest boxer, ayon kay Pacman ay napakalaki ng naging impluwensiya sa kanyang buhay ni Ali.

Dose anyos lang si Casius Clay nang una siyang makita ng isang pulis kung paano makipagsuntukan. May nagnakaw ng kanyang bisikleta, nang mapatunayan ni Casius Clay kung sino ang kumuha nu’n ay inupakan niya ang lalaking di hamak na mas malaki ang katawan at mas matangkad kesa sa kanya, nagkaideya ang pulis at sinabihan nito si Casius na pakikinabangan sa boksing ang lakas ng kanyang mga kamao.

At ang sumunod pang tagumpay ni Casius na naging Muhammad Ali kinalaunan ay isa nang kasaysayan ngayon. Iuuwi ang kanyang bangkay sa Louisville, Kentucky na naging saksi sa kanyang kabataan, pumanaw siya sa isang ospital sa Phoenix, Arizona, ipinagluluksa ng buong mundo ngayon ang pagkawala ng “The greatest boxer of all time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending