Mataray na aktres ayaw nang makatrabaho ni direk | Bandera

Mataray na aktres ayaw nang makatrabaho ni direk

Reggee Bonoan - June 07, 2016 - 12:35 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

KUNG hindi lang hiniling ng producer ng pelikula sa line producer ang mataray na aktres ay ayaw na talaga itong makatrabaho ng magaling na direktor.

Kuwento sa amin mismo ni direk, “Actually, she’s okay naman to work with, kaya lang pag cut-off time na niya, talagang aalis na siya maski may eksena pa siyang kukunan, siyempre hindi naman puwedeng ipagpabukas mo kasi paano ‘yung continuity, di ba? Alangang balikan pa namin ‘yung isang scene for another day?

“Pinakiusapan namin, pumayag for another hour, kaso alam mo ‘yung uwing-uwi na, so alam mo na parang wala na sa concentration kapag kinukunan. Ako pagsilip ko sa kamera, makikita mo ‘yung facial expression na inip na inip na siya sa oras, kaya nakakainis,” sabi ni direk.

Okay pa rin naman daw umarte ang mataray na aktres kaya lang halatang napaglipasan na kung ikukumpara sa dating galing nito. Kung ang ibang artista ay mas gumagaling pag nagkakaedad, kabaligtaran naman ang nangyari sa mataray na aktres.

Naalala rin namin na may isang producer din na ayaw nang kunin ang serbisyo ng mataray na aktres dahil nga maraming demands at laging gustong umuwi na kapag cut-off time na. As of now ay wala kaming alam na teleseryeng kasama ang mataray na aktres, siguro siya na rin ang umaayaw sa offers dahil alam niyang pa-morningan ang taping ng serye ngayon.

“May iba yata kasi siyang pinagkakaabalahan kaya ayaw niya nang napupuyat masyado,” sabi sa amin ng direktor na kausap namin. Iniisip namin kung ano naman ang pagkakaabalahan ng mataray na aktres, e, wala naman siyang negosyo o mga anak na inaalagaan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending