College stude dakip sa 'sextortion' | Bandera

College stude dakip sa ‘sextortion’

John Roson - June 06, 2016 - 06:41 PM

quezon city
Arestado ang isang college student, na nagbantang magkakalat ng mga hubad na larawan ng isa ring estudyante kung di bibigyan ng pera, nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Quezon City.

Nadakip si Lonny Lou Beltran alyas “Carlo Cruz,” estudyante ng Holy Trinity University, nitong Sabado ng umaga, sabi ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, direktor ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Bago ito, nagsumbong sa PNP-ACG ang isang 21-anyos na babaeng nagsabi na hiningan siya ng isang Carlo Cruz ng P60,000 kapalit ng di pagkakalat sa Internet ng mga hubad niyang larawan.

Sinabi ng babae na noong una’y ni-recruit siya ng isang “Andrea Welcsh Lombardo” para maging modelo ng undergarments o suot panloob ng isang kilalang kompanya, sa pamamagitan ng Facebook.

Noong una’y humingi si Lombardo ng mga larawang nagpapakita sa babae na nakasuot na panloob, pero nang huli’y humingi na rin ito ng mga hubad na larawan.

Nitong Mayo 13, nagsumbong ang babae sa ACG dahil isang “Devan George” ang nagpadala ng mga hubad niyang larawan, pati larawan ng kanyang ina’t kapatid, sa kanyang Facebook account.

Matapos iyo’y isang “Carlo Cruz” naman ang nagpadala ng message sa babae at humingi ng P60,000 kapalit ng di pagkakalat sa Internet ng mga hubad na larawan.

Nakiusap ang babae na ibigay sa kanya ang “soft copy” ng mga larawan kapalit lang ng P49,000 dahil di niya kaya ang halagang hinihingi ni Cruz, ani Eleazar.

Di nagpakumbinsi si Cruz at sinabing puwede na lang makipagtalik ang babae sa tatlo niyang kaibigan kapalit ng P3,000 para makabayad.

Nilunsad ng ACG ang entrapment Huwebes, hilingin ni Cruz na makipagkita sa babae sa isang hotel sa V. Mapa st., Sta. Mesa, Manila.

Nang hapong iyon ay muling tinawagan ni Cruz ang babae at inatasan itong dalhin ang pera sa convenience store na nasa isang gusali sa E. Rodriguez Ave.

Nabigo ang mga undercover operative na makita kung sinong kumuha sa pera dahil sa mga security officer ng gusali, hanggang sa alas-4:30 ng hapon ay muling tumawag si Cruz sa babae at sinabing dalawang P1,000 papel at mga ginupit na bond paper lang ang nakuha.

Sa kabila nito’y natunton ng ibang operatiba ang condominium unit ng suspek at nakakuha ng search warrant para halughugin ito.

Pinasok ng mga elemento ng ACG ang unit ni Cruz Biyernes ng gabi, at nakuha doon ang marked money na ginamit sa entrapment, pati na ang cellphone at SIM card na ginamit sa pangingikil sa babae.

Doon din nalaman na si Cruz ay ang estudyanteng si Lonny Lou Beltran.

Matapos madakip Sabado ng umaga ay isinailalim si Beltran sa ultraviolet powder test at nagpositibo, ani Eleazar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Law at robbery extortion kaugnay ng Cybercrime Prevention Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending