NBA Finals rematch sa pagitan ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers magsisimula ngayon | Bandera

NBA Finals rematch sa pagitan ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers magsisimula ngayon

- , June 03, 2016 - 01:00 AM

OAKLAND, California — Isang dream matchup sa NBA Finals ang muling mangyayari.

Ang ikalawang sunod na sagupaan sa kampeonato sa pagitan ng Cleveland Cavaliers na pamumunuan ni LeBron James at ang defending champion Golden State Warriors na pangungunahan ni Stephen Curry ang masasaksihan sa pagsisimula ngayon ng best-of-seven NBA Finals.

Hindi lang ito maituturing na sagupaan ng mga pinakamahuhusay na manlalaro ng liga kundi ang simula ng posibleng matinding tunggalian sa pagitan nina James at Curry.

“It’s really annoying for me. That’s not what I’m playing for, to be the face of the NBA or to be this or that or to take LeBron’s throne or whatever,” sabi ni Curry kahapon, isang araw bago i-host ng Warriors ang Cavs sa Game 1. “You know, I’m trying to chase rings, and that’s what I’m all about. So that’s where the conversation stops for me.”

Nakuha ni Curry ang kanyang unang NBA title noong isang taon at ito’y laban kay James. At naging senyales na ito ng isang namumuong tunggalian.

Kaya naman si James, na nag-average ng 35.8 puntos, 13.3 rebounds at 8.8 assists sa finals noong isang taon, ay desididong bumawi lalo’t walang injury ngayon sina Kyrie Irving at Kevin Love. Tatangkain din ni James na wakasan ang 52-taon na tagtuyot sa kampeonato ng Cleveland.

“The fact that we’re going back to back, I think, is pretty unique,” sabi ni James. “It’s pretty unique to be in this position to have another opportunity for guys to write about, for us to play it, for the people to talk about it throughout the world. I’m blessed that I can be a part of conversations.”

Si Curry, na napanalunan ang kanyang ikalawang MVP award ngayong season, ay hangad naman masungkit ang ikalawang sunod na kampeonato matapos na ihatid ang Warriors sa NBA record 73 regular-season wins.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending