Problema sa mister na sabungero | Bandera

Problema sa mister na sabungero

Pher Mendoza |June 01,2016
facebook
share this

Problema sa mister na sabungero

Pher Mendoza - June 01, 2016 - 12:15 AM

MANANG,

Nabasa ko po ang column ninyo, ang ganda ng advice ninyo.

Gusto ko rin po sanang magpa-advise kasi ‘yung asawa ko ang hilig-hilig sa sabong. Inaasa niya lang kami sa mga magulang niya. May anak na po kami, dalawa. Minsan iniisip kong makipaghiwalay pero di ko magawa, naaawa ako sa mga anak namin pag naghiwalay kami.

Ano po kaya ang mabuting gawin para di na magsabong ang asawa ko? Thanks po and more power.
– Misis ng sabungero
Hello, Ate.

Salamat po at nagugustuhan n’yo ang column naming ito sa Bandera. Bukod po sa akin ay napakaganda rin ng mga advice ng mga readers and fans thru Facebook kaya gusto ko rin pong magpasalamat sa kanila. Thank you po sa walang sawang pagsubaybay.

Pasensya na po at hindi ko through text maibibigay ang payo ko dahil very shareable ang kwento n’yo. I’m sure na may ibang readers po ang makaka-relate sa inyo kaya ibabahagi ko po ito sa kanila.

Ang pagkahilig sa sabong or any form of gambling ay maaaring matawag na isang “addiction”. Mahirap pagsabihan ang isang “addict” dahil iisipin lamang nila na hindi mo nauunawaan ang kanilang sitwasyon kapag sinabi mo sa kanilang itigil nila ito, pero you have to exercise “tough love”. Ibig sabihin, ipaalam sa kanya na hindi mo pinapaboran at sinusuportahan ang bisyo niyang ito.

You also have to force him to deal with the consequences of his actions. Ipaalam sa kanya na wala naman talagang mabuting naidudulot ang “pagsasabong” dahil kung manalo man siya ng isang beses, 10 beses naman siyang natalo.

Marami ring kwento na umaabot sa pagpapakamatay ng isang gambling addict dahil sa depresyon (at ayon ito sa mga studies), madalas dahil nababaon sa napakalaking utang. Isa pa, bihira naman ang nagiging mayaman dahil sa pagsusugal sa Pilipinas. I-pressure mo siyang magdesisyon na itigil ito dahil naapektuhan ka at ang inyong mga anak.

Kung nakaasa lang siya sa kanyang magulang at pati kayong pamilya ay inaasa niya, my dear, mag-isip-isip ka. Ang asawa mo ba ay walang kakayahang magtrabaho? Baka dapat maghanap ka na rin ng fallback o ikaw mismo ay magsikap maghanapbuhay o maghanap ng trabaho para ipakita sa kanya na dapat ay hindi kayo dapat umaasa. Ano ang mangyayari sa inyo kapag wala nang maitutulong sa inyo ang kanyang mga magulang? Hindi naman forever ito.

Be self-dependent. Pwede mong ma-inspire si mister kung makikita n’ya na ikaw mismo ay marunong dumiskarte sa buhay. Bigyan mo ng “ultimatum” ang sarili mo kung hanggang saan mo ito titiisin at unti-unti, kung walang pagbabago ang kabiyak, mag-isip ka kung paano bubuhayin ang iyong sarili at mga anak na galing sa iyong pagsisikap. In the end, ‘yung mga anak n’yo lalaking may mga buto at hindi rin nakaasa lang sa inyo, ‘di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending