Ellen Adarna kinawawa ng mga Fans ni Baste Duterte; Tinawag na mang-aagaw at malandi | Bandera

Ellen Adarna kinawawa ng mga Fans ni Baste Duterte; Tinawag na mang-aagaw at malandi

Ervin Santiago - May 31, 2016 - 12:01 AM

ellen adarna at sebastian duterte

MARIING dinenay ng sexy star na si Ellen Adarna na may relasyon sila ni Sebastian Duterte, isa sa mga anak ni President Rodrigo Duterte.

Matapos kasing kumalat ang mga litrato nila ni Baste sa social media, partikular ang isang photo kung saan makikitang magkasama sila na tila nag-iinuman with another girl sa tabi ni Baste. Kuha raw ang nasabing litrato sa Siargao Island kung saan palaging nagpupunta ang presidential son para mag-surf.

Isa pang photo ang kumalat kung saan nakaakbay na si Baste kay Ellen. Sa tingin ng ilang netizens, parang lasing na pareho ang dalawa nang kunan ang litrato. May mga nagsabi naman na baka raw si Ellen na ang bagong dyowa ni Baste matapos itong umaming single (pero may ka-live in daw).

Naloka siguro si Ellen dahil sa dami ng mga bastos at mahahalay na komento ng mga netizens tungkol sa kanila ni Baste. Agad siyang nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram account denying reports na siya ang bagong girlfriend ni Baste. Nakiusap pa siya sa mga bashers na tigilan na ang paggawa ng mga kasinungalingan about them dahil nakakahiya raw sa anak ni Digong.

Narito ang IG post ni Ellen (sa Bisaya): “Sa mga fans ni baste ug sa mga ‘assuming’.. naa cyay uyab. Pero dili ako, migo rami. Kkk so ayaw na pag imbento dinha. #chickenTV sa makasabot lang #bisaya.” (Sa mga fans ni Baste at sa mga ‘assuming’. Meron siyang girlfriend. Pero hindi ako, friends lang kami. So huwag na kayong magimbento diyan).

Ayon pa kay Ellen, hindi sila magkasamang nagtungo ni Baste sa Siargao, nandoon daw siya para sa 25th birthday ng kanyang kaibigang aktres na si Beauty Gonzales along with their other friends, habang si Baste naman ay nagbabakasyon din doon kasama ang kanyang barkada.

Kung merong nam-bash sa sexy star at tumawag sa kanya ng mang-aagaw at malandi, meron din namang humanga sa pagiging matapang ni Ellen at sa honesty nito about her and Baste. Sabi ng isa niyang follower, “That’s my girl! @maria.elena.adarna ikaw na talaga! Go lang nang go girl! Partypamore! Care sa mga nega diyan. Bagay kayo ni Baste!”

Chika naman ng isa, “Sana kayo na lang ni Baste boy EllenAdarna! You look hot together! Agawin mo siya sa ka-live in niya! Bwahahahaha! Kering-keri mo yun! Ikaw pa! Dont mind the negas, inggit lang sila dahil nakainuman at naka-jamming mo ang new hearthhrob in town!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending