MMK ng ABS-CBN 25 taon nang nagpapaiyak sa milyun-milyong Pinoy sa sa buong universe
SIMULA 1991, naging bahagi na ng bawat tahanang Pinoy ang Maalaala Mo Kaya. Bawat episode nito ay nagdala ng tuwa at luha na nagpatibay ng samahan ng programa at ng mga Kapamilya saan man sila sa mundo.
Linggo-linggo ay naghahatid ang MMk ng pag-asa, inspirasyon at aral. Ang bawat sulat na binabasa ni Charo Santos ay isinasalaysay ang iba’t ibang pagsubok at karanasan ng mga Kapamilya kaya naman talagang tumatak na ang programa sa kultura at buhay ng mga Pilipino.
Kaya naman para ipagdiwang ang 25 taong pinagsaluhan ng programa at ng mga manonood, isang buong taong selebrasyon ang handog ng longest-running drama anthology sa Asya bilang pasasalamat para sa walang asawang pagsuporta at patuloy na pagtitiwala sa pagbabahagi nito ng kuwento.
Sabi nga ni Ms. Charo sa presscon ng MMK anniversary, “Talagang malaking malaking blessing ito. It’s really quite a feat for any program to celebrate its 25th anniversary. Dahil na rin ito sa lahat ng hard work, dedication and commitment ng production staff, ng technical crew at lahat ng bumubuo ng MMK.”
“Iba ‘yung kuwento na hango sa totoong buhay. Makaka-relate ang mga viewers. I’d like to think that in our own little way, we were able to bring relief to our viewers. Nakapagbigay kami ng pag-asa. It’s been a positive influence to our Kapamilyas. Tinitignan nila ‘yung programa na nagdudulot ng inspirasyon at pag-asa sa kanilang buhay,” dagdag pa ng MMK host. Present din sa MMK presscon sina direk Olivia Lamasan at direk Ruel Bayani.
Bilang bahagi ng MMK silver anniversary celebration, the program has also come up with the website mmk.abs-cbn.com kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga netizens na mapanood ang mga past episodes ng show. MMK will also hold a get-together for all its letter senders to be held in Davao on July 6, with another leg in Luzon in August.
Nakatakda ring magpunta sa iba’t ibang panig ng mundo si Ms. Charo para sa “Kwentuhang Kapamilya” series upang magbigay ng inspirational talks sa mga kababayan nating OFWs. Abangan si Ms. Charo sa Madrid, Spain sa June 26; Hongkong sa July 24; New Jersey, USA sa Sept. 9; Alberta, Canada on Sept. 11; at sa Tokyo, Japan sa Oct. 16.
Tutukan ang mga gagawing anniversary episodes ng mga Kapamilya stars para sa MMK sina Zanjoe Marudo, Jessy Mendiola, Princess Punzalan, Angel Locsin at JC de Vera.
Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable channel 167).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.