54 terorista patay sa opensiba-AFP | Bandera

54 terorista patay sa opensiba-AFP

John Roson - May 30, 2016 - 06:08 PM

lanao del sur
Aabot sa 54 kasapi ng isang local terrorist group ang naiulat na nasawi habang mahigit 2,000 residente ang nagsilikas dahil sa operasyon ng mga tropa ng pamahalaan sa Butig, Lanao del Sur, ayon sa mga otoridad.

Dalawang sundalo rin ang nasawi at 10 pa ang nasugatan, ayon sa militar.

Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command, nagsasagawa ng “intense” na operasyon ang Army at Air Force laban sa Maute group mula pa noong Mayo 26 at nauwi ito sa serye ng mga engkuwentro.

“Fifty-four were killed on the [local terrorist group] based on intelligence reports. The troops continue to advance towards the enemy stronghold and defeat the LTG in the area,” sabi ni Tan sa isang kalatas.

Gayunpaman, inamin ni Tan na hindi narekober ang mga napatay na kasapi ng Maute group, na dating namugot ng dalawang sibilyan sa Butig.

“Some of our troops saw them fall at ni-retrieve ng mga kasama nila, some [came from] intelligence reports. Walang body count in our pessession kasi may distansiya pa ang laban. Artillery fires do more of the damage,” aniya.

Patuloy pa ang airstrikes, pagpapaputok ng kanyon, at assault gamit ang mga armored vehicle kahapon, ayon kay Tan.

Dalawang sundalo ang nasawi at 10 pa ang nasugatan mula nang mag-umpisa ang bakbakan noong Mayo 26, sabi ni Lt. Col. Benedicto Manquiquis, tagapagsalita ng Army 1st Infantry Division.

Nasawi sina Pfc. Danilo Allaga, ng 51st Infantry Battalion, at Pfc. Mark Fernand Ortaliza, ng 5th Mechanized Battalion, aniya.

Nagpapagaling ngayon ang mga sugatan sa iba-ibang ospital sa Mindanao, ani Manquiquis.

Samantala, inulat ng the Office of Civil Defense-Autonomous Region in Muslim Mindanao na 363 pamilya o 2,016 katao na ang nagsilikas mula nang mag-umpisa ang sagupaan.

Nagsilikas ang mga residente ng Brgys. Coloyan, Samer, Bayabao Poblacion, Poctan, Ragayan, at Sandab, na pawang mga “apektado” ng sagupaan, sabi ng OCD-ARMM sa ulat nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karamihan sa mga nagsilikas ay nakikituloy sa mga kamag-anak, habang 17 pamilya, o 39 katao, ang nakikisilong sa “madrasah” sa Brgy. Malungun, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending