Lalaki nakabalot sa packing tape natagpuan sa Cebu | Bandera

Lalaki nakabalot sa packing tape natagpuan sa Cebu

- May 30, 2016 - 04:15 PM

dead-body-packed-with-tape-620x465
NATAGPUAN patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakabalot sa itim na trash bag at itinali gamit ang isang packing tape na parang mummy sa kahabaan ng national highway sa Barangay Balud, San Fernando, Cebu City, ganap na alas-4 ng umaga kahapon.
Nakadikit sa katawan ang isang puting papel na may sulat kamay na na nakalagay ang “Tulisan Ko! DU30 (I am a robber! DU30).”
Dinala ang lalaki sa provincial hospital sa Carcar City, kung saan siya idineklarang dead on arrival ng tumingin na doktor na si Dr. Henry Famas, ayon kay PO1 Ronnie Margate, ng San Fernando police station.

“We are still conducting an investigation on this incident. There’s a possibility that the body was just thrown here,” sabi ni Margate.
Sinabi ni San Fernando police chief Chief Insp. Richard Gadingan na isang residente ang tumawag kaugnay ng natagpuang katawan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Balud ganap na alas-4 ng umaga.
Idinagdag ni Gadingan na dinala ang biktima sa Tupas Funeral Homes.
Sinabi ni Gadingan na nakasuot ang biktima ng bra, olive green na blouse, at itim na pantalon at nasa pagitan ng 40 hanggang 50-anyos at hanggang balikat na haba na buhok.
Nakatali rin ang biktima at may lubid sa kanyang leeg. Binusalan din ang kanyang bibig.
Ayon kay Gadingan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng motibo at nasa likod ng pagpatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending