Metro Manila, kalapit na mga probinsiya inulan | Bandera

Metro Manila, kalapit na mga probinsiya inulan

- May 29, 2016 - 03:44 PM

pagasa
INULAN ang ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga probinsiya, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa isang advisory ganap na alas-1:50 ng hapon, sinabi ng Pagasa na kabilang sa nakaranas ng malakas na pag-ulan ay ang Caloocan City at Quezon City, Masinloc, Candelaria, at Palauig sa Zambales, Rizal, Batangas, Laguna at ilang bahagi ng Bulacan, Tarlac at Quezon.
Idinagdag ng Pagasa na tumagal ng dalawang oras ang malakas na pag-ulan.
Ayon pa sa weather bureau, inaasahan din ang malakas na pag-ulan sa Cavite, Pampanga, Nueva Ecija at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending