Golden State Warriors humirit ng Game 6 sa West Finals | Bandera

Golden State Warriors humirit ng Game 6 sa West Finals

- , May 27, 2016 - 06:37 PM

KEVIN DURANT AT STEPHEN CURRY

KEVIN DURANT AT STEPHEN CURRY

OAKLAND, California — Kumamada si Stephen Curry ng 31 puntos para sa Golden State Warriors na nanatiling buhay matapos itala ang 120-111 pagwawagi laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 5  ng Western Conference finals.

Ang reigning MVP na si Curry ay nagtala rin ng anim na assists at limang steals habang si Klay Thompson ay nagdagdag ng 27 puntos para sa Golden State na hinatid ang best-of-seven series pabalik ng Oklahoma City para sa Game 6 bukas. Ang Golden State ay naghahabol pa rin sa kanilang serye, 3-2, at magtatangkang maging ika-10th koponan na nakabangon buhat sa 3-1 series deficit.

Umiskor si Kevin Durant ng 40 puntos habang si Russell Westbrook ay nag-ambag ng 31 puntos, walong assists, pitong rebounds at limang steals para sa Thunder, na hangad itala ang ikalimang NBA Finals appearance sa kasaysayan ng prangkisa at unang kampeonato mula nang lumipat buhat sa Seattle.

Ang record-setting, 73-win Warriors, na nanggaling sa magkasunod na pagkatalo ngayong season, ay natambakan sa kanilang dalawang pagkatalo sa Oklahoma City sa pinagsamang 52 puntos.

Ang 3-pointer ni Durant may 4:34 ang nalalabi sa laro ay nagpalapit sa Thunder sa 103-98 subalit sinagot ito ni Curry sa pamamagitan ng three-point play.

Umiskor si Curry ng pitong puntos sa loob ng 58 segundo sa ikalawang yugto at bumitaw pa ng mga matitinding tira sa huling bahagi ng laro subalit hindi naman nagpaiwan ang Thunder.

Naghahabol sa 58-50 sa halftime, nagsagawa ang Oklahoma City ng 9-2 run sa pagbubukas ng ikatlong yugto. Ang 3-pointer ni Westbrook may 6:06 ang nalalabi sa ikatlong yugto ang nagbigay sa Oklahoma City ng 68-67 bentahe para sa kauna-unahan nitong kalamangan sa laro. Subalit nakalamang ang Golden State, 81-77, papasok ng ikaapat na yugto at inumpisahan ang huling yugto sa pamamagitan ng  8-0 ratsada.

Tumira si Curry ng 9 for 20 mula sa field habang si Thompson ay itinala ang kanyang ika-11th 20-point game sa ikalawang sunod na postseason bagamat tumira lamang ng 2 for 9 mula sa 3-point range. Si Draymond Green, na hindi nakaporma sa Game 3 at 4, ay nagtala ng 11 puntos at 13 rebounds para sa Warriors.

Sinandalan din ni Golden State coach Steve Kerr si Australian center Andrew Bogut na gumawa ng playoff career-high 15 puntos at 14 rebounds. Ito ang  ikalawang double-double ni Bogut ngayong postseason at ikapito sa kanyang career.

Nagpakitang-gilas din para sa Golden State si Marreese Speights na umiskor ng 14 puntos sa laro para itala ang kanyang ikalimang double-digit scoring game ngayong postseason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending