LGBT saludo kay Edgar Allan matapos ibandera na may kapatid na bading | Bandera

LGBT saludo kay Edgar Allan matapos ibandera na may kapatid na bading

Jobert Sucaldito - May 25, 2016 - 02:00 AM

edgar allan guzman

AFTER almost a year ay maipapalabas na finally ang pinakaaabangang gay-themed movie na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” written and directed by Joven Tan na hango sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 entry of the same title interpreted by Michael Pangilinan who also stars in the film with gay best-friend played by very good actor Edgar Allan Guzman.

“Thank God at maipapalabas na finally sa mga sinehan itong napakasayang pelikula naming Pare, Mahal Mo Raw Ako. We have a premiere night on May 31 (Tuesday) sa SM Megamall kaya dapat magkita-kita na tayo roon, okey?” sabi ng anak-anakan nating si Michael Pangilina who debuts in this film as a lead actor.

“Minsan na nga lang tayo nakakaarte sa screen kaya dapat panoorin ninyo. Ha-hahaha! Ngayon, puwede na nating i-announce that we got the June 8 playdate na – and that’s final!” ani Michael who, like his gay-best friend in the movie na si Edgar Allan Guzman, also landed as finalist in the Your Face Sounds Familiar.

“I enjoyed working with Michael. Nakaka-in love kasi ang role ko – isang gay best-friend na na-in love sa character ni Michael sa movie. Marami tiyak ang makaka-relate dahil it happens to the best of us. Nakakatawa, nakakaiyak, nakakakilig…lahat-lahat nang sangkap nandoon na.
“Sana suportahan nila ang launching movie ni Michael – he’s a revelation dito,” ani Edgar Allan Guzman who was not just fine in this movie but award-winning talaga ang acting.

“After many years of doing films, isa ito sa pinakamahalagang projects ko. I’ve put in almost everything that I know – everything that I have dahil co-producer din ako ng movie. Hindi nasayang ang effort namin – punumpuno ng puso ang pelikula and I must say na perfect ang casting namin dito.
“After naming mabuo ang pelikulang ito, na-realize kong walang perfect sa bawat character kungdi sila mismong lumabas. Kasama rin kasi sa movie sina Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and Ms. Nora Aunor in a very special role.
“Finally ay maipapalabas na ito sa June 8 through Viva Films. Matutuwa ang makakapanood ng movie na ito – simpleng maganda at may puso. You will fall in love sa bawat character,” pagmamalaki ni Direk Joven Tan.

Bukod sa amin ni Direk Joven, ang ilan pang producers ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ay sina Fred Sibug, Carlos Sario, Jr. and Capt. Ernie Moya.

Kaya guys and gays, abangan ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa lahat ng sinehan nationwide this coming June 8. Para ito sa lahat ha, hindi lang sa mga kapatid natin sa LGBT na nag-express na ng kanilang 100% support kina Michael at Edgar.

In fairness, maraming sumaludo kay EA dahil sa pag-amin niya na meron din siyang kapatid na bading na mahal na mahal daw nila. Wala raw naging isyu sa pamilya nila ang pagkabading ng kanyang “sister”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending