May edad nang politician galit na galit; Tinraydor ng kaibigang aktor-politiko | Bandera

May edad nang politician galit na galit; Tinraydor ng kaibigang aktor-politiko

Cristy Fermin |May 24,2016
facebook
share this

May edad nang politician galit na galit; Tinraydor ng kaibigang aktor-politiko

Cristy Fermin - May 24, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM MAN 0220

HANGGANG ngayon ay napakarami pa ring kuwentong-pulitika na pinagpipistahan sa maraming umpukan. May mga artistang nanalo, meron ding natalo, at ang mga kaganapang ‘yun ay may kani-kanyang kuwento. Sa kasalukuyan ay maingay na pinag-uusapan sa isang malaking siyudad ang matinding galit ng isang may edad nang pulitiko sa isang aktor-pulitikong tumakbo sa mas mataas na posisyon pero natalo.

Umuusok kuno ang ilong sa galit ng may napatunayan nang pulitiko sa kanyang kasamahan, matatagalan pa bago ‘yun makalimutan ng galit na galit na pulitiko, hindi siya makausap ng bumaliktad na aktor-pulitiko hanggang ngayon.

“Akalain mo ‘yun? Lahat na ng tulong at suporta, e, ginawa ni ____ (pangalan ng may edad nang politician) sa kanya, pero nagawa pa rin niyang gumalaw nang pailalim kontra sa nagpapala sa kanya?
“Naku, kapag sinumbatan siya ng taong ‘yun, e, siguradong babalutin siya ng utang na loob sa dami ng nagawa ng taong ‘yun sa political career niya!” kuwento ng aming source.

Pinagkukuwentuhan din ngayon ang pagkatalo ng isang pulitikong tagasigaw ng “Action at cut!” pero panalo pa rin siya sa dami ng mga kaibigang sumuporta sa kanyang kandidatura.

“Natalo siya, nangulelat sa labanan, pero hindi siya umuwing luhaan dahil sa laki ng nakalap niyang donasyon sa candidacy niya! ‘Yung nanggaling pa lang sa isang sikat na personality na napakalakas sumuntok, e, sobra-sobra na para sa kabuhayan showcase niya,” sabi naman ng isa pang source.

“Kapatid na Bradly Guevarra, alam na! Tingnan natin kung kailan mapatatawad ng may edad nang politician ang kasamahan niyang aktor-pulitiko. May kapangalan namang male singer ang tagasigaw ng action at cut na talunang pulitiko,” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending