Mega inirampa ang medyo payat nang katawan; hinalikan ni Binoe sa kamay | Bandera

Mega inirampa ang medyo payat nang katawan; hinalikan ni Binoe sa kamay

Ervin Santiago |May 24,2016
facebook
share this

Mega inirampa ang medyo payat nang katawan; hinalikan ni Binoe sa kamay

Ervin Santiago - May 24, 2016 - 02:00 AM

robin padilla at sharon cuneta

IN fairness, tuwang-tuwa ang fans nina Robin Padilla at Megastar Sharon Cuneta nang muling magkita ang dalawa sa finals night ng PGT Season5. Isa sa mga highlighs ng programa ay ang paglapit ni Binoe kay Mega pagkatapos nitong kantahin ang kanyang classic song na “Bituing Walang Ningning”.

Hinalikan pa ng aktor ang kamay ng kanyang Ma’m Sharon habang katabi ang mga hosts ng show na sina Luis Manzano at Billy Crawford kaya naman tilian talaga ang audience. Kumanta pa nga ng ilang linya sa kantang “Maging Sino Ka Man” si Robin na naging title ng pelikula nila noon. Tinawag naman ni Shawie si Binoe na “forever best friend.”

At dahil nga rito, muling nabuhay ang dugo ng kanilang mga tagasuporta at hiniling sa dalawa na sana’y magsama sila uli sa pelikula. Marami naman ang nakapansin na malaki na nga ang nabawas sa timbang ni Mega dahil hindi na siya ganu’n kalaki sa screen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending