Ilang tips sa pangungusina | Bandera

Ilang tips sa pangungusina

|May 23,2016
facebook
share this

Ilang tips sa pangungusina

- May 23, 2016 - 07:22 PM

kitchen tip

UPANG maging maayos at madali ang paggamit ng mga pampalasa sa inyong pagluluto, dapat tandaan ang ilang mga bagay na praktikal gawin.

Una, pagsama-samahin ang inyong mga spices o rekados na ginagamit sa iisang lugar. Siguraduhing tuyo at hindi pinapasok ng moist ang lugar upang hindi mamasa o magbuo ang mga ito kapag hindi ginagamit.

I-boteng may takip ang mga nabuksan ng rekados tulad ng paminta, paprika, rosemary, etc. O mas maigeng bumili na ng naka-bote sa mga groceries para sa matagalang gamit.

Ihiwalay rin ang mga pampalasang basa sa mga tuyo. Ang toyo, suka, patis, oyster sauce at barbeque sauce ay dapat hindi kasama ng mga betsin, paminta, atbp.

Ang iba pang pampalasa tulad ng sibuyas at bawang ay hindi dapat ilagay sa madilim at moist na lugar para hindi agad mabulok. Ilagay ito sa lugar na nahahanginan at madaling kunin sa oras na ng pagluluto. Kapag sa mga kamatis naman ay may nakitang nabubulok, agad itong ihiwalay upang hindi mahawa ang iba pang kasama nito.

Mas makakabuti ring bumili ng iodized salt kesa sa pangkaraniwang rock salt upang may makuhang sustansiya mula rito at pampalasa pa ng pagkain. Ilagay ito sa mga de-boteng garapon na may malaking bibig upang madaling makuha. Huwag itong ilalagay sa lata dahil madali itong kakalawangin at mahahawa ang inyong asin.

Matagal ring maaaring i-store ang bagoong. Ngunit kapag masyado nang matagal, tingnan muna ito ng mabuti at baka may algae na ang takip at ang mismong bagoong. Huwag na itong gamitin at palitan na.

Kapag ginamit na sa pagluluto, huwag maglagay ng sobrang rekados o pampalalasa. Bahagyang pumapait ang lutuin kapag nasobrahan ng lagay ng dahon ng laurel. Naglalasang gamot naman at nag-iiba ang amoy ng pagkain kapag ginagamitan ng masyadong maraming atsuwete.

Ayusing mabuti at siguraduhing malapit sa pinaglulutuan ang inyong mga rekados. Ilagay din sa harap ang mas madalas gamiting mg pampalsa upang mas maging madali ang pag-abot nito lalo na sa madaliang pagluluto.

 

  • Huwag gagamit ng tinidor sa pagba-barbecue. Gumamit ng thong. Natutusok kasi ng tinidor ang iniihaw kaya luma-labas ang katas nito at nawawala ang flavor.

tip2 0523

  • Para makatas ang hamburger na iluluto, lagyan ng konting malamig na tubig ang patty bago lutuin.

tip3 0523

  • Kung nagmamasa ng harina para sa pagbe-bake, huwag lagyan ng arina ang kamay. Imbes, pahiran ng olive oil para hindi dumikit ang dough.
  • Kailangang i-brown agad ang inyong sarsa pero wala na kayong oras, bakit hindi taktakan ng konting instant coffee.
  • Kung magso-saute ng gulay o anumang pagkain, gumamit ng margarina kesa butter dahil mas madaling masunog ang huli.

tip4 0523

  • Isa ang strawberry sa mga prutas na mada-ling masira. Ang dapat gawin pagkabili, ilagay ang mga bagong hugas na prutas sa isang plato na sinapinan ng paper towel at saka ilagay sa refrigerator. Tatagal ang mga ito ng tatlong araw.
  • tip1 0523Para magtagal ang ubas, ilagay ang mga ito sa pitsel at saka takpan nang mabuti. Aabot ito ng mga limang araw.

tips5 0523

  • Upang mapanatili ang kinang at hindi mangitim ang mga wooden utensils, pagkatapos hugasan at tuyuin ay kaskasin ng wax paper. Poprotektahan din ng wax ang kahoy upang hindi makapag-absorb ng pagkain na inyong iluluto.
  • Madali bang kalawa-ngin ang inyong mga pangkaskas na gawa sa steelwool? Pagkatapos gamitin ay huwag itong iwan sa lababo. Tuyuin ito, ilagay sa plastic bag at ilagay sa freezer.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending