Oklahoma City Thunder ginulpi ang Golden State Warriors sa Game 3 ng West Finals | Bandera

Oklahoma City Thunder ginulpi ang Golden State Warriors sa Game 3 ng West Finals

- , May 24, 2016 - 01:00 AM

OKLAHOMA CITY — Pinatikim ng Oklahoma City Thunder ang Golden State Warriors ng matinding pagkatalo sa pagtala ng 133-105 pagwawagi kahapon para kunin ang 2-1 lead sa NBA Western Conference finals.

Umiskor si Kevin Durant ng 33 puntos habang si Russell Westbrook ay kumana ng 30 puntos, 12 assists at walong rebounds para sa Thunder.

Ang Warriors, na itinala ang NBA record 73 panalo sa regular season, ay naghabol ng 41 puntos sa laro na naging pinakamalaking kalamangan na kanilang hinabol ngayong season.

“We got what we deserved,” sabi ni Warriors coach Steve Kerr.

Tumira si Durant ng 10 of 15 shots habang si Westbrook ay bumira ng 10 of 19. Ito rin ang unang pagkakataon sa postseason na ang dalawang All-Star players ng Thunder ay  tumira ng mahigit 50 porsiyento mula sa field.

“We’re not going to win that way,” sabi ni Golden State guard Klay Thompson. “One of those guys got to have an off night.”

Si Serge Ibaka ay nag-ambag ng 14 puntos at walong rebounds para sa Thunder, na tinapatan ang kanilang franchise record for most points scored sa playoff game.

Nagdomina rin ang Oklahoma City sa rebounds, 52-38.

“That’s one thing we slipped up on in Game 2, and tonight we did a good job of getting loose balls and finding ways to get 50/50 basketballs and give ourselves extra possessions,” sabi ni Westbrook.

Nasa alanganing posisyon naman ang Golden State patungo sa Game 4 bukas sa Oklahoma City subalit kumpiyansa pa rin ang Warriors na makakabawi. Naghabol ang Golden State mula sa 2-1 deficit sa kanilang playoff series kontra Memphis Grizzlies at Cleveland Cavaliers noong isang taon tungo sa pag-uwi ng NBA title.

“Both times, we got blown out in Game 3, and we responded well, so we have that memory,” sabi ni Kerr. “I’m confident we’re going to come out and play a really good game in Game 4, and we’ll see what happens.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Stephen Curry ay gumawa ng 24 puntos mula sa 7-for-17 shooting habang nag-ambag si Klay Thompson ng 18 puntos sa 8-for-19 shooting para sa Golden State.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending