Jaclyn Jose waging best actress sa Cannes Film Festival | Bandera

Jaclyn Jose waging best actress sa Cannes Film Festival

Bayani Sandiego , , |May 23,2016
facebook
share this

Jaclyn Jose waging best actress sa Cannes Film Festival

Bayani Sandiego - , , May 23, 2016 - 10:42 AM

jaclyn-jose-600x400

SA kauna-unahang pagkakataon, bumandera bilang best actress ang isang Filipina sa Cannes Festival.

Wagi si Jaclyn Jose bilang best actress sa Cannes Film Festival sa France para sa pelikula ni Brillante Ma. Mendoza’s drama na “Ma’ Rosa.”

Noong 2009, una namang naparangalan bilang best actor si Mendoza para sa pelikulang “Kinatay”.

Kwento ni Jacklyn, kauna-unang instruction anya sa kanya ng magaling na direktor ay “huwag umarte”.

“I couldn’t even wear makeup,” dagdag pa ni Jacklyn.  “Dante (Mendoza’s nickname) wanted our performance to be a natural as possible.”

Ang hindi umano niya pag-arte ang siya pang dahilan kung bakit niya naiuwi ang parangal.

Ginampanan ni Jacklyn ang titular character ng pelikula, isang mahirap na nanay na inaresto dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa kanyang speech nang tanggapin ang award, sinabi ng aktres na isang sorpresa ang pagkakatanghal sa kanya.

Anya, ibinabahagi niya ang kanyang award sa kanilang direktor na si Mendoza, sa anak na si Andi Eigenmann na kasali rin sa pelikula.

Sa naunang pahayag ni Jacklyn sa Inquirer, ang “Ma’ Rosa” ay isang kwento na dapat maibahagi sa buong mundo kung paano ang ilang pamilyang Pilipino ay nakikibaka para lang labanan ang kahirapan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending