Robin: Si Vice ang pinaglilihian ni Mariel...pero kahit ano pa siya tatanggapin ko! | Bandera

Robin: Si Vice ang pinaglilihian ni Mariel…pero kahit ano pa siya tatanggapin ko!

Julie Bonifacio |May 23,2016
facebook
share this

Robin: Si Vice ang pinaglilihian ni Mariel…pero kahit ano pa siya tatanggapin ko!

Julie Bonifacio - May 23, 2016 - 02:00 AM

robin mariel at vice ganda

OPISYAL nang inihayag ng TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla ang muli niyang pagbubuntis sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime last Saturday. Umiiyak dahil sa labis na kasiyahan si Mariel nang i-announce niya that she’s three months preggy sa baby nila ng mister na si Robin Padilla. Ito ang ikatlong pagbubuntis ni Mariel.

Nagbigay ng mensahe through VTR ang lolo’t lola ng TV host at mga kaibigang sina Bianca Gonzalez-Intal at Toni Gonzaga-Soriano. Kaya lalong bumuhos ang luha sa mga mata ni Mariel. At siyempre, live naman na umapir sa Showtime si Robin to give her message kay Mariel. Sey ni Mariel kay Robin, “We did it.” Na sinagot naman ni Robin ng, “Oo nga, e, we did it.”

Binuking ni Robin na nu’ng una raw ay pinipilit siya na magbigay ng song number for Mariel. Pero tumanggi siya and instead may hinanda siya na sulat for his wife. “Hindi maipapaliwanag ng kanta ang nararamdaman ko. Sandali lang po ‘to. Tatlong minuto lang, Inorasan ko na po,” sabi ni Robin.

Inunang pasalamatan ni Robin ang mga host, staff and crew pati na ang audience ng Showtime dahil sa pagbibigay daw ng kaligayahan kay Mariel. “Dumating po kayo sa buhay niya, sa oras ng kanyang matin-ding kalungkutan,” lahad ni Robin habang halata sa boses niya na pinipigilan ang pag-iyak.

“Naging kayo ang hudyat para harapin niya ang umaga ng may ngiti at pag-asa. Araw-araw po, alas sais pa lang ng umaga handa na ang asawa ko na maging host ninyo, maging Kapamilya ninyo. Matibay ako Babe, huwag mo akong tingnan,” pahayag ni Robin.

Isang rebelasyon naman ang inihayag ni Robin sa resulta ng ilang ulit na miscarriage ni Mariel.
“Nagsilbi po kayong milagro sa kanya sapagkat ang katotohanan po, sinabi po ni Mariel, ng mga eksperto na baka hindi na po siya magkasupling. Sinabi po ‘yun sa kanya dahil sunud-sunod siyang nakunan. Pero tunay po na nabuntis si Mariel dahil sa Showtime. Naramdaman niya po ang pag-aalaga, huwag po kayong mag-alala, ako pa rin po ang tatay. Ha-haha!” Dagdag pa niya, “Huwag po kayong mag-alala. Ako po! Ako po! Wala pong nakasingit! Ha-hahaha!”

Sa hirap at sakripisyo, ang It’s Showtime family daw ang laging kasama ni Mariel. Kaya naman hiling ni Robin, tawaging Showtime baby ang firstborn nila ni Mariel. Pagkatapos ay inamin pa ni Robin kay Vice Ganda na siya ang pinaglilihian ni Mariel. “Totoo! Gusto kong malaman mo kung anuman ang mangyari sa anak ko, tatanggapin ko,” pasigaw na sabi ni Robin.

Sa true lang, mukhang i-nadya talaga ng pagkakataon na sa Showtime gawin ni Mariel ang kanyang official announcement. Kung natatandaan pa ninyo, sa dating noontime show din sa ABS-CBN na Magandang Tanghali Pilipinas nagkaligawan at nagkarelasyon sina Robin at Mariel. And then, nu’ng mawala ang show pinalitan ito ng Happy Yipee Yehey nina Toni Gonzaga, Randy Santiago, John Estrada and many more including Mariel.

What a coincidence nga naman, di ba? This is what they called right time and chance according to God’s perfect plan for Robin and Mariel. Who knows baka sa darating na panahon maging host pa ng susunod na noontime show ng ABS-CBN ang baby na dinadala ni Mariel ngayon, ‘di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending