Payo kina Mariel at Binoe: Wag munang ibandera sa social media ang baby | Bandera

Payo kina Mariel at Binoe: Wag munang ibandera sa social media ang baby

Cristy Fermin |May 23,2016
facebook
share this

Payo kina Mariel at Binoe: Wag munang ibandera sa social media ang baby

Cristy Fermin - May 23, 2016 - 02:00 AM

mariel rodriguez at robin padilla

MALIGAYA kami sa muling pagdadalantao ni Mariel Rodriguez. Anak na lang ang kulang sa magandang relasyon nila ni Robin Padilla, ‘yun na lang talaga, kaya sana’y biyayaan sila ng supling sa pagkakataong ito.

Lahat ng ginawa niya sa nakaraan niyang pagdadalantao na hindi nakaganda sa kanya ay maiiwasan na ngayon ni Mariel. Natuto na sigurado siya sa mga nakaraan niyang pagdadalantao. Siguradong magmamana sa kaguwapuhan ng kanyang ama at kagandahan ng kanyang ina ang magiging anak nina Robin at Mariel.

Sana’y huwag muna nilang masyadong ipakilala sa social media ang binhi habang wala pa. Pabayaan muna nilang lumaki ang sanggol para sabi nga ng marami ay hindi mausog. Pero marami ring nakaiintindi kung bakit ganu’n sila sa mga nakaraang pagdadalantao ni Mariel, sobrang excited na kasi sila, kaya kahit wala pa ay ibinabahagi na nila ang punla sa publiko. Paglaki-laki ng kanyang tiyan ay kailangan nang magbawas ng pagkakaabalahan si Mariel, maselan siyang magdalantao, kailangan niya nang sapat na pahinga para wala silang maging problema.

Napakaraming maligaya ngayon para sa mag-asawa dahil sa wakas ay makukumpleto na ang kanilang pamilya at kaligayahan. Mahal ni Mariel ang mga anak ni Robin kay Liezel Sicangco pero iba pa rin ang anak na mula mismo sa kanyang sinapupunan. Isang mapayapa at masayang paglalakbay kay Mariel Rodriguez tungo sa mundo ng pagiging ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending