Female celebrity bumalimbing agad para sa proteksyon ng dyowa | Bandera

Female celebrity bumalimbing agad para sa proteksyon ng dyowa

Cristy Fermin |May 23,2016
facebook
share this

Female celebrity bumalimbing agad para sa proteksyon ng dyowa

Cristy Fermin - May 23, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

PABORITONG panghimagas ngayon sa mga umpukan ang isang female personality na patagong sumuporta nu’n sa isang kumandidato sa mataas na posisyon pero natalo. Hindi masyadong lumantad nu’n, ayon sa mga kuwento, ang babaeng personalidad pero panay-panay ang pagpapadala niya ng suporta sa kandidato.

Alam ng maraming taga-showbiz ang pagsuportang i-binigay niya sa pulitiko, pasalamat nang pasalamat sa kanya ang kampo nito, pero nagulantang sila nitong mga nakaraang araw. Kuwentuhan sa umpukan, “Sino naman ang hindi magugulantang, katatapos pa lang ng eleksiyon, e, nagbago na agad ang kulay ng girl? Natalo ang manok niya, kaya gumawa siya ng paraang mapansin nu’ng nanalong pulitiko.

“E, teka lang muna. Di ba, ibang politician ang si-nuportahan niya nu’ng election? Hindi lang siya sumama sa kampanya, hindi siya nagpakita sa publiko, pero ‘yun ang si-nuportahan niya. “Tapos ngayon, e, heto na. Nakipagkita na siya sa nanalong politician, biglang nagbago na ang position niya! Nakakaloka ang babaeng ‘yun, ang bilis-bilis niyang nagbago ng political color!” pahampas-hampas pa sa mesang kuwento ng aming impormante.

Kailangan daw kasing ganu’n ang gawin ng female personality dahil maraming negosyo ang kanyang karelasyon. Hindi raw para sa kanya ang lahat kundi para sa businessman-boyfriend niya. Kuwento naman ng isang source, “Hindi galit sa kanya ang tropa ng politician na sinuportahan niya, wala silang karapatang magalit dahil tinulungan na nga sila, di ba? Windang na windang lang sila sa bilis niyang gumalaw!

“Naku, Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo si female personality. Huwag ka nang maghanap ng bareta ng sabon, carry mo na ‘yan kahit wala!” pagta-tapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending