‘1 ama 2 ina’ sa MMK episode ni Diego Loyzaga
PAMILYA ang humuhubog sa ating pagkatao mula kabataan hanggang paglaki, ngunit paano kung hindi normal ang kinagisnang tahanan? Iyan ang matutunghayan sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado sa pagtatampok ng kwento tungkol sa kakaibang pamilya ni Rommel (Raikko Matteo/Diego Loyzaga).
Sa iisang bubong, kasama niyang nakatira ang kanyang inang si Mila (Lara Quigaman), ama na si Rody (Jay Manalo), at ang asawa nitong si Bita (Andrea del Rosario). Kahit na pilit na kinukumbinsi nina Mila at Bita si Rommel na swerte siya sa pagkakaroon ng dalawang ina, madalas itong tinutukso ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang kakaibang pamilya.
Naguguluhan man sa kumplikadong relasyon ng kanyang mga magulang, parehong itinuturing ni Rommel na ina sina Mila at Bita. Ngunit dahil sa pagmamalupit ni Rody ay napilitan si Bita na iwan ang kanilang kumplikadong sitwasyon. Paano tatanggapin ni Rommel ang pagkasira ng pamilyang kanyang kinalakihan?
Kasama rin sa MMK episode na ito sina Gerard Pizzaras, Alex Castro, Lance Lucido at Veyda Inoval sa direksyon ni Dondon Santos at sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.