‘Pope, Thank You Sa Malasakit’, ‘Isang Bayan Para kay Pacman’ ng ABS-CBN wagi sa Quill Awards | Bandera

‘Pope, Thank You Sa Malasakit’, ‘Isang Bayan Para kay Pacman’ ng ABS-CBN wagi sa Quill Awards

Ervin Santiago - May 21, 2016 - 02:00 AM

pope francis at manny pacquiao

                                                                        Pope Francis at Manny Pacquiao

KUMAMADA ang ABS-CBN Corporation ng labindalawang parangal sa ika-14 na Philippine Quill Awards, kung saan sila ang may pinakamadaming award sa mga sumaling media at entertainment company sa prestihiyosong patimpalak ng International Association of Business Communicators Philippines.

Panalo ang kampanya ng network na “Changing the Way You Look at TV with ABS-CBN TVPlus” kung saan inilunsad nila ang “mahiwagang black box” ng ABS-CBN TVPlus, na naghahatid sa mga manonood ng mga programa ng Kapamilya network at iba pang premium channels nang may napakalinaw na mga imahe at tunog.

Namakyaw naman ng tatlong Quill award ang “Pope, Thank You Sa Malasakit” (POPETYSM) campaign ng ABS-CBN para sa 2015 Papal Visit sa Pilipinas. Isinagawa rito ang isang social media campaign na nagbigay inspirasyon sa bansa sa pagdalaw ni Papa Francisco, isang Book of Thanks na nagpakita ng pagpapasalamat ng sambayanan sa Papa, at ang cross-platform coverage na nakuha ang gustong iparating na mensahe ng pagpapasalamat sa Papa ng buong bansa.

Bukod diyan, pinarangalan din ang TFC, The Filipino Channel para sa “Galing ng Filipino, Ipagpatuloy Mo” na kampanya nila para sa kanilang ika-20 anibersaryo. Bumida rin ang Cinema One, ang numero unong cable channel sa Pilipinas, dahil wagi ang ika-10 edisyon ng kanilang digital film festival na “Cinema One Originals 2014: Intense.”

Ang mga proyekto naman para sa mga empleyado ng ABS-CBN ay nakatulong din sa paghakot ng kumpanya ng tropeo. Isa riyan ang relaunch ng intranet website ng ABS-CBN na e-Frequency, na finalist para sa Top Award sa dibisyon nito, at ang ang “Kapamilya Thank You: The ABS-CBN Christmas Party 2014” na kinilala para sa taunang salu-salo tuwing Kapaskuhan ng mga Kapamilya employees.

Hindi rin nagpahuli ang ABS-CBN Integrated Sports na ginawaran ng Quill para sa kampanyang “Isang Bayan Para kay Pacman” na inilunsad bago ang laban ng People’s Champion na si Manny Pacquiao at ng katunggaling si Floyd Mayweather, Jr.. Dito pinauso ng kampanya ang isang interactive na punching bag na kung saan kada click ay may katumbas na puntos na umaanino sa lakas ni Manny Pacquiao, at kumakatawan sa milyun-milyong kamao ng mga Pilipino.

Ang public service project na “Patrol ng Edukasyon” ng numero unang newscast sa Pilipinas na TV Patrol ay panalo rin para sa pagtulong nito sa mga eskwelahan sa mga kasuluk-sulukan ng Pilipinas. Ang marketing campaign naman na ginawa ng Digital Media Division ng ABS-CBN na “Revlon is Love” ay pinangalanan din ng dalawang beses.

Ang prestihiyosong Philippine Quill Awards ay isinasagawa ng International Association of Business Communicators Philippines para bigyan ng parangal at pagkilala ang mga mahuhusay na communication programs at tools ng mga organisasyon sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending