Trak vs van: 7 patay, 8 sugatan | Bandera

Trak vs van: 7 patay, 8 sugatan

John Roson - May 19, 2016 - 03:36 PM

sarangani
Pito katao, kabilang ang dalawang menor de edad, ang nasawi habang walo pa ang nasugatan nang salpukin ng boom truck ang isang pampasaherong van sa Kiamba, Sarangani, kamakalawa (Miyerkules) ng hapon, ayon sa pulisya.

Dead on the spot ang mga pasahero ng van na sina Crispina Lazelle, anak niyang si May-May, Myrna Tangjal, at ang 15-anyos na si Usman Yuga, sabi ni PO1 Dexter Allan Narvaez, imbestigador ng Kiamba Police.

Dalawa pang pasahero ng van, na nakilala bilang sina Irish Gail Rosalia at 13-anyos na si Jan Marist Valmoria, pati ang driver ng boom truck na si Gregorio Hombrog, ang binawian ng buhay sa ospital Miyerkules ng gabi, sabi ni Narvaez nang kapanayamin sa telepono.

Nagpapagaling pa sa ospital ang driver ng van na si Abdulvander Dani, apat pa niyang pasahero, at tatlo pang sakay ng boom truck, aniya.

Naganap ang insidente dakong alas-3:35, habang minamaneho no Dani ang Toyota Hi-Ace commuter van (temporary plate no. 1201-122345) sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Lagundi.

Minamaneho ni Dani ang van mula Maitum nang makasalpukan ang boom truck (LCH-036), na pag-aari ng South Cotabato Electric Cooperative 2 (SOCOTECO 2) at minamaneho ni Hombrog mula General Santos City patungong Kiamba, ani Narvaez.

Lumabas sa imbestigasyon na pumutok ang isa sa mga gulong ng van habang palapit ang sasakyan sa Lagundi Bridge, kaya nawalan ng kontrol sa manibela si Dani.

Nag-skid ang van sa kalsada, na noo’y madulas dahil sa ulan, at tumigil sa gitna ng kalsada kung saan ito nasalpok ng parating na boom truck na dala ni Hombrog.

“Parang nawalan siya (Hombrog) ng option kasi makipot talaga ‘yung kalsada at ‘yung gilid parehong bangin,” sabi ni Narvaez sa BANDERA.

Dahil sa impact ay nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan at agad nasawi ang apat sa mga pasahero ng van.

Labing-isang sakay ng van at boom truck ang dinala sa iba-ibang ospital matapos ang insidente, ngunit binawian ng buhay sina Rosalia, Valmoria, at Hombrog Miyerkules ng gabi, ani Narvaez.

Binabatntayan ngayon ng mga pulis si Dani, na naka-confine sa General Santos Doctors Hospital, aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakipag-ugnayan na ang mga kinatawan ng SOCOTECO 2 sa pamilya ng mga nasawi’t nasugatan, at mayroon nang “initial settlement” sa kanila, ani Narvaez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending