Editorial: Change is coming na nga | Bandera

Editorial: Change is coming na nga

- May 19, 2016 - 03:00 AM

UNTI-unti nang nararamdaman ang pagbabago kahit mahigit isang buwan pa ang hihintayin bago tuluyang makapwesto sa Malacanang ang incoming President na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Inilatag na isa-isa ni Duterte ang mga inaasahang pagbabago na maaaring maganap sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Isang pagbabagong inaasahan ngayon ng publiko ay kung paano sosolusyunan ng pulisya ang kriminalidad sa bansa. Narinig naman nating lahat ang pangako ni Duterte nang tumatakbo pa lamang siya sa pampanguluhan na lulutasin niya ang krimen sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

At nagsalita na nga si Duterte sa pagbabagong mangyayari sa kung paano sosolusyunan ng kanyang administrasyon ang kabi-kabilang kriminalidad – shoot to kill sa mga pinaghihinalaang mga suspek na papalag at death penalty by hanging sa mga mapapatunayang nagkasala ng heinous crimes.

Tila parang uhaw na uhaw naman sa dugo ang maraming Pilipino, matapos tila ipagbunyi nila ang mga narinig mula sa magiging bagong pangulo, na ipapapatay ang mga halang ang kaluluwa na salot ng lipunan.

At hindi naman masisisi ang maraming Pinoy na tila ikinatuwa ang mga hakbang ni Duterte dahil ganon na sila kadesperado na makakita ng solusyon sa matagal na nilang hinaing hinggil sa isyu ng kriminalidad.

Kaya hindi nakakapgtaka kung welcome na welcome sa kanila ang determinasyon ng uupong pangulo sa kung paano niya reresolbahin ang matagal ng problema.

Change is coming na rin sa mga pasaway na driver ng taxi, at sana sa mga driver din ng bus, jeep, tricycle at mga pribadong sasakyan. Nagpasaring na si Duterte na sasampulan niya ang mga pasaway na taxi driver, partikular na ang mga ayaw magbigay ng sukli. Kasong extortion at estafa ang pwedeng isampang kaso sa mga pasaway na taxi driver na hindi magsusukli. At hindi imposible na tatargetin din ni Duterte ang mga mangongontrata at tatanggi sa mga pasahero.

Change is coming na rin sa marami pang mga bagay, na bagamat ang tingin ng iba ay isyung pang-barangay lamang gaya ng curfew na dapat ipatupad sa mga menor-de-edad sa tuwing sasapit ang alas-10 ng gabi, ang liquor ban, ang pag-ban sa pagdura sa pampublikong lugar, paglimita sa oras ng happy-happy gaya ng videoke at karaoke, ay pawang swak na swak naman sa maraming mamamayan.

Kaabang-abang mga mga pagbabagong darating kasabay nang pag-upo ng bagong pangulo na galing din sa bagong balwarte – hindi na mula sa Luzon kundi mula naman sa Mindanao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending