NAKATAKDANG iproklama bukas ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 bagong senador at mga nanalong party-list groups.
Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na itinakda ang proklamasyon ganap na alas-2 ng hapon.
“Tuloy na tuloy ang proclamation. It will be set in the afternoon because we have to prepare all the papers in the morning. Our people are very busy preparing the (proclamation) documents,” sabi ni Guanzon.
Nagdesisyon ang Comelec na sabay-sabay na ang proklamasyon ng lahat ng 12 nanalong senador.
“Naka-robe lang kami. You’ll expect siguro yung mga senador naka-barong at Filipiniana kasi historic yung proclamation,” dagdag ni Guanzon.
Kabilang sa mga pumasok sa Magic 12 ay sina:
1. Franklin Drilon
2. Joel Villanueva
3. Vicente Sotto III
4. Panfilo Lacson
5. Richard Gordon
6. Juan Miguel Zubiri
7. Manny Pacquiao
8. Risa Hontiveros
9. Francis Pangilinan
10. Sherwin Gatchalian
11. Ralph Recto
12. Leila de Lima
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.