Duterte napili si Dela Rosa bilang susunod na PNP chief
PINILI na ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte si Chief Supt. Ronald dela Rosa bilang susunod na Philippine National Police (PNP) chief.
Kinumpirma ni Christopher Go, executive assistant ni Duterte na si Dela Rosa na ang itatalaga ng bagong uupong pangulo.
Nauna nang sinabi ni PNP Director General Ricardo Marquez na handa siyang magsumite ng resignation letter kapag pormal nang naupo si Duterte sa Hunyo 30.
Inaasahan namang 11 buwan lamang maninilbihan si Dela Rosa bilang PNP chief dahil nakatakda itong magretiro sa Mayo 2017.
Si Dela Rosa ay dating chief of police sa Davao City mula 2011 hanggang 2013. Siya ay miyembro ng Class 1986 ng Philippine Military Academy (PMA).
Bago ang eleksiyon noong Mayo 9, sinibak si Dela Rosa bilang commander ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng PNP dahil umano sa kanyang post sa Facebook kung saan sinusuportahan niya si Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.