LIKAS na mauutak at matatalas ang memorya ng mga Pilipino.Matagal nang alam ito ni Roberto Racasa kaya naman hindi siya nagtataka kung bakit namamayagpag ang mga Pinoy sa mga international memory competitions.Si Racasa ang nagpasimuno ng memory sports sa bansa. Sila ng estudyante niyang si Johann Abrina ang mga unang Pilipino na sumali sa pandaigdigang torneyo ng memorya noong 2010.At mula noon ay patuloy niyang inaangat ang antas ng bansa sa larangan ng memory sports at sa 21st World Memory Championships nga nitong Disyembre sa London ay nakopo ng Pilipinas ang ikatlong puwesto overall sa likod ng Germany at Sweden.Nakausap ng BANDERA ang tinatawag na “Father of Philippine Memory Sports” at ito ang kanyang sinabi.
Unang-una Robert, ano ang memory sports?
Ang memory sports ay itinatag noong 1991 nina Tony Buzan at Raymond Keene.
That year din nagkaroon ng unang World Memory Championship.
This was established para i-challenge ang limit ng human brian.
For example sa numbers, sabi nila ang maximum na kayang i-memorize ng tao ay 30-digit number lamang pero with proper training kahit 1,000 digits kaya ng human brain. Pati yung mga names, faces, dates, binary numbers at playing cards ay dinesign na rin para sa competition. Ang puwede lang bang sumali rito ay yung mga tinatawag nilang mga ‘genius’ or kahit mga ordinaryong tao ay kaya ring gawin ang mga ginagawa ninyo?
Anybody can learn this.
Majority naman ng mga sumasali dito ay sinasabi nilang they are just ordinary persons na nagkaroon lang ng extraordinary passion sa ganito pero you have to undergo the right training for you to compete on a high level.
Ilang taon nang sumasali ang Pilipinas sa World Championships?
Nag-umpisa tayo 2010, 7th place lang tayo noong. Dalawa lang kasi kami ni Johann Abrina ang sumali noon.
Then in 2011 nag-silver tayo dahil hindi sumali yung mga malalakas na teams.
Last December, sumali na yung mga malalakas na countries pero nakuha pa rin natin yung third place overall behind Germany and Sweden.
Yung China nga na back-to-back champion ng 2010-2011 nag-sixth place lang. Hindi nila inexpect na ganoon kalakas ang mga teams na sumali.
For the record ang Pilipinas ang number one sa buong Asia kahit pa tayo ang pinaka-bagong country na sumasali sa international memory competitions.
Kaya ba nating mag-world champion?
I believe so. We just need sufficient training and support.
Siguro if we can prepare 6 to 10 months for the 2013 World Championships kaya nating talunin yung ibang countries at makapag-produce pa tayo ng mas maraming Grandmasters.
Speaking of Grandmasters, ilan na ba ang Grandmasters ng Pilipinas sa memory sports?
Right now, we have two. Sina Mark Anthony Castaneda at Erwin Balines.
Si Abrina, may dalawang GM norms na at ako naman, may isang GM norm.
Paano nakakakuha ng mga norms na ito at ano ang basehan para maging GM?
According to the World Memory Sports Council, ito yung governing body ng memory sports sa mundo, may tatlong norms na dapat makuha para maging GM.
First, you must be able to memorize 1,000 digits in one hour.
Second, you must be able to memorize the random order of 10 decks of playing cards in hour.
And you must ba able to memorize one deck of card in just two minutes or less.
Meron kang tine-train na 11-year-old, si Jamyla Lambunao, na sinasabi mong pwedeng maging youngest GM ng bansa. Do you think she can get the norms?
Yun ang target natin within the year ay makuha niya ang Grandmaster title. Malaki ang potential ni Jamyla.
In fact, sa kids category ng World Memory Championship sa London, first time niyang sumali pero nanalo siya sa hour cards and spoken numbers event.
Nag-second place siya sa 30-minute binary numbers, 5-minute speed numbers and 15 minute random words and nag-third place sa 15-minute names and faces and 5-minute historic dates category.
Actually, muntik na siyang makakuha ng isang GM norm sa London.
Out of the 10 decks of card, she was able to perfect seven decks.
Konting training pa, I believe makakaya niyang i-memorize yung 10 decks.
So, ano ang balak ninyo for this year?
First of all, binubuo na namin yung Philippine Memory Sports Council para mas maging organisado na tayo.
And then we plan to hold local and national tournaments para makahikayat pa ng mas maraming memory athletes.
And even if they don’t want to compete, it’s OK.
They can still undergo training.
Yung system na ginagamit ng mga world champions, ito rin yung ginagamit natin.
Personally, I want to empower the students.
Malaki kasi ang pakinabang lalo na academically dahil magbe-benifit din ang mga students dito.
We also plan to reach out sa Visayas and Mindanao.
I am sure marami doon na may mga ganitong potential pero walang accesss sa proper training.
Much as we want to go to other places, we still do not have the logistics and the sponsors to do so.
By the way, puwede bang sumali dito ang mga autistic?
According sa rules, bawal ang autistic kasi meron daw silang ‘undue’ advantage.
You have a school for this kind of discipline, can you tell us more about this?
Yes, ito yung UTAK meaning Universal Training for Acquired Knowledge which I founded in 2008. It’s located in Nangka, Marikina City.
Naging interesado ako dito dahil noong high school ako mahina ako sa klase.
Actually, pitong taon kong tinapos ang high school kaya nag-aral ako para ma-enhance ang memory.
Tapos doon sa mga pinag-aralan ko, I designed a system na applicable sa mga Pilipino, sa mga ordinaryong tao tulad ko.
Itong pagsali ko sa memory sports coincidence lang yan e. Inumpisahan ko talaga ito para tulungan yung mga students na hirap sa pag-aaral.
May gusto ka pang idagdag or anything na gusto mong iparating mga BANDERA readers?
Bago ko makalimutan, gusto kong pasalamatan yung mga sumuporta sa Philippine memory team ever since tulad nina (Mandaluyong City) Mayor Benhur Abalos, Speaker Sonny Belmonte at si Engr. Jimmy Lambunao na dumukot sa sarili niyang bulsa para makasama yung ibang members ng team.
Also, thank you din sa PAGCOR sa suporta sa team.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.