Hindi totoong nagpakasal, pero ayon sa mga chika…
A VERY reliable source whispered to me na matagal na raw nagsasama sa isang bubong sina Jennylyn Mercado and Luis Manzano.
And take note, hindi raw kasama ni Jennylyn ang anak niyang si Alex Jazz sa bahay na tinitirhan nila ni Luis.
She left the boy sa pangangalaga ng kanyang Mommy Lydia.
This, according to a very reliable source na nabwisit sa mga patutsada ni Jennylyn at ng manager nitong si Becky Aguila kay Patrick Garcia.
Pasimple ang tirada nila kay Patrick using Becky’s echos words na dapat daw ay hindi nagsasalita si Patrick on issue about child support dahil pribado raw na usapin ito na dapat ay between Patrick and Jennylyn lang.
Totoo ka, Ms. Becky – dapat pribado nga ito.
Dapat naman talagang hindi sila nagsisiraan sa kahit anong paraan dahil merong isang kaluluwang naapektuhan – si Alex Jazz. Minsan lang naman nagsalita si Patrick, di ba?
Nang sagutin niya ang tanong ng ilang members ng media na kinukulit siya kung totoong hindi siya nagbibigay ng suporta sa anak nila.
Kanino galing ang balitang hindi siya nagbibigay ng sustento sa bata, aber?
Sa kampo ninyo ni Jennylyn, di ba?
Kaya nilinaw lang ni Patrick ang isyu – na totoong there was a time na two months siyang di nakapagbigay ng sustento dahil wala siyang work pero on the third month ay bumawi naman siya.
Pasalamat nga siya at hindi nagsabi si Patrick na kung anong klaseng ina si Jennylyn sa anak nila.
Usap-usapan na nga ngayon ang pagli-live-in daw nina Luis at Jennylyn, ito’y matapos ngang mapaulat kamakailan na sinabi raw mismo ng ama ni Luis na si Edu Manzano na nagpakasal na raw sila ni Jennylyn.
May napagkuwentuhan daw si Edu nito kaya kumalat.
Totoo ba ito, Doods? Kung hindi ito totoo, pakilinaw lang po.
At halimbawa ma’y totoo ito, sa palagay n’yo ba aamin sina Jennylyn at Luis?
Mga artista iyan at sanay mag-deny.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.