Angelica tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Digong: Talagang wala siyang inuurungan! | Bandera

Angelica tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Digong: Talagang wala siyang inuurungan!

Ervin Santiago - May 16, 2016 - 02:00 AM

angelika panganiban

TUWANG-TUWA si Angelica Panganiban sa pagkapanalo ni Rodrigo Duterte sa presidential race. Isa kasi siya sa mga sikat na celebrities na nakipaglaban para kay Digong.

“I’m sure marami namang natuwa, di ba? Kitang kita naman na mas mara-ming tao ang naging pabor talaga sa kanya sa naging results nong eleksiyon dahil malayo talaga ang naging agwat niya sa mga nakalaban niya so siyempre masaya dahil isa ako sa mga naniniwala sa kaya niyang gawin, sa mga sinasabi niya,” sey ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pang komento ng dalaga sa nakaraang eleksiyon, “Lahat naman sila talagang kaya naman nilang maging presidente kaya nga sila tumakbo di ba? Pero ‘yung determinasyon na meron siya at tsaka ‘yung hindi siya natatakot, wala siyang inuurungan ‘yun nga lahat sila capable pero siguro ‘yung gusto ko sa kanya ‘yung tapang niya.”

Nang tanungin kung ano ang ine-expect niya sa mga unang taon ni Digong sa pwesto, “Siguro ‘yung corruption, ‘yung crime, sana kumbaga feeling ko ‘yun talaga ang malaking problema ng bansa natin. Kung saan-saan na lang, wala ng takot ‘yung mga tao di ba? Patay dito, patay diyan.

“Mukhang ‘yun naman ang unang bibigyan niya ng pansin tapos ‘yung may mga politiko tayong mga nakaupo na may pagka-corrupt pa din. ‘Yun ang isa sana sa mga maayos din niya,” paliwanag ni Angelica.

Ano naman ang natutunan niya last elections? “Siguro ‘yung pagmamalasakit mo sa bansa, kung saan ka nagtatrabaho, kung saan ka nabubuhay, di ba? Na kaila-ngan meron kang malasakit at malawak na pag-unawa para siguro magkaroon ka ng parang tamang kandidato na gusto mong i-endorse at gusto mong iboto.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending