MATAPOS ang anim na araw na pagkakaratay sa ospital, tuluyang binawian ng buhay ang bagong halal na mayor ng Palanan, Isabela.
Inatake sa puso si Angelito “Bernie” Bernardo bisperas ng eleksiyon, at dinala sa Isabela United Doctors Medical Center.
Si Bernardo ay kasalukuyang konsehal ng bayan at tumakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.
Natalo niya ang mga kalaban na sina Rufino Gonzales (Lakas-Christian Muslim Democrats) at Vice Mayor Pacita Atanacio (Liberal Party).
Iprinoklama si Bernardo noong Mayo 12 bilang bagong halal na alkalde ng Palanan.
Siya sana ang papalit sa kapatid na kasalukuyang mayor na si Angelo Bernardo, Jr.
Dahil sa pagkamatay ni Bernardo, papalit ang kanyang pinsan na si Vice Mayor-elect Rody Bernardo Jr., bilang mayor, habang ang magiging vice mayor naman ay ang kanila ring pinsan na si Elizabeth Bernardo-Ochoa, matapos makakuha ng pinakamataas na boto bilang konsehal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.