Karen Davila tinawag na praning ang mga bashers
TINAWAG na praning ng news anchor ng ABS-CBN at DZMM na si Karen Davila ang mga Pinoy na inakusahan siya ng pagiging biased. Nasabi ni Karen ang salitang ito during the special DZMM coverage for 2016 election last Tuesday.
Natawa naman ang mga political analysts na guests ni Karen sa radio show. Hindi nila siguro inaasahan na ‘yung term na ‘yun ang gagamitin ni Karen habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa kung anu-anong espekulasyon sa paglamang ni Rep. Leni Robredo kay Sen. Bongbong Marcos for Vice-Presidential race.
Dahil diyan, marahil ay wala na namang puknat ang gagawing pamba-bash kay Karen specially sa social media.
Sa totoo lang, naging mas mainit and interesting ang labanan sa bilangan ng boto nina Leni at Bongbong kesa sa mga naglaban-laban sa Presidential race, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.