Daniel, Kathryn sunud-sunod ang mga kamalasan, hindi nakatulong kay Mar
TALO ang kanilang minanok sa panguluhan. Walang nagawa ang kanilang loveteam para magkaroon ng milagro ang kandidatura ni Secretary Mar Roxas.
At kontrobersiyal pa sila ngayon dahil sa pagpapakita nila ng mga balotang ipinangsuporta siyempre nila sa kanilang manok sa panguluhan.
May pagkapasaway rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Alam naman nila na bawal magpunta sa polling place na may suot na baller bilang palatandaan kung kaninong panig sila pero ganu’n pa rin ang ginawa ng young actress.
Alam din nilang bawal kunan ng retrato ang balota, pero pumayag silang mag-pose sa media, wagas talaga nilang ipinakita ang kanilang mga balota sa buong bayan.
“Hindi ba sila nagbabasa? Hindi ba sila nanonood ng news? Alam naman nila na bawal ang ganu’n, pero ginawa pa rin nila. Kautusan ‘yun ng COMELEC, pero wala silang alam?” tanong ng isang kababayan natin.
Mukhang inaalat ngayon ang KathNiel, sunud-sunod na kanegahan ang inaabot nila dahil sa halalan, mula sa pangangalampag sa milyun-milyong kinita nila sa eleksiyon ay kinambalan pa ‘yun ng pagiging pasaway nila nu’ng halalan.
Sino kaya ang may balat sa magkatambal na ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.