Young actor binigyan ng special treatment noong halalan | Bandera

Young actor binigyan ng special treatment noong halalan

Cristy Fermin - May 11, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM MALE0423

HANGGANG sa panahon ng eleksiyon ay wagas pa rin ang mga kuwento tungkol sa isang stage mother. Maraming nagsasabi na mas nauna pang lumaki ang ulo ng nanay na ito kesa sa kanyang anak.

Maraming nagpapatotoo na kakaiba ang mga atake ng nanay ng isang young actor, palagi siyang nagpapainterbyu, mas marami pa nga siyang sinasabi kesa sa kanyang guwapong anak na sinuwerteng magiging popular. “Enjoy na enjoy talaga ang lola n’yo sa mga nangyayari sa buhay niya. Hindi niya talaga maitago ang kaligayahan niya dahil sa anak niyang guwapo na sinuwerteng sumikat.

“Di nga ba, hindi na niya kilala ngayon ang mga taong madalas niyang takbuhan nu’ng walang-wala pa sila? Si Mommy Hydro nga ang tawag sa kanya ng mga taong naaangasan sa mga pinaggagagawa niya!” simulang kuwento ng aming source.

Nu’ng isang araw lang ay marami ang nainis sa nanay na ito ng young actor nang bumoto sila. Siksikan ang mga botante, mainit ang klima, pero hindi na naghintay ang mag-ina dahil agaran silang pinapasok sa classroom kung saan nandu’n ang kanilang pangalan.

Kuwento uli ng aming source, “Di ba, nag-overtake sila sa mga kababayan nating oras na ang ipinaghintay para lang makaboto? Sikat daw kasi ang anak niya, na-starstruck ang mga nandu’n, kaya agad-agad, pinapasok na sila sa classroom.

“Hindi man lang sila naghintay, hindi man lang nagmantika sa kawe-wait si ____ (pangalan ng ina ng batang aktor), nakaboto agad sila! Tama ba ‘yun? Nakakaloka! May express lane pala kapag sikat na ang boboto!? “Naku, Bradly Guevarra, sundutin mo nga ng aspile ang katawan ng mommy na ‘yan, para kahit paano naman, e, mahimasmasan siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending