Curry binuhat ang Warriors sa O.T. | Bandera

Curry binuhat ang Warriors sa O.T.

Frederick Nasiad - , May 11, 2016 - 01:00 AM

steve curry

PORTLAND, Oregon — Nagbalik sa paglalaro si Stephen Curry mula sa sprained right knee at umiskor ng 40 puntos kabilang ang NBA-record 17 points sa overtime para itulak ang Golden State Warriors sa 132-125 panalo kontra Portland Trail Blazers sa Game Four ng kanilang second-round NBA Playoffs series kahapon.

Lamang na ng 3-1 ang Warriors sa serye. Umabot din sa overtime ang isa pang Game Four kahapon.
Binuhat ni Dwyane Wade sa 94-87 pagwawagi ang Miami Heat sa overtime kontra Toronto Raptors para itabla ang kanilang serye sa 2-all.

Nakitaan ng kaunting “kalawang” si Curry sa unang tatlong quarters ng laro kung saan naghahabol ang Warriors. Pero nang makuha na niya ang kanyang “range” ay umarangkada na rin ang opensa ng Golden State

Lumamang ng 16 puntos sa laro ang Blazers pero nakahirit ng overtime ang Warriors kahit pa nawala sa kanila si point guard Shaun Livingston na natawagan ng dalawang technical fouls at na-eject mula sa laro.
Ang unang plano ng Warriors ay paglaruin lamang ng 25 puntos si Curry ngunit sa pagkawala ni Livingston ay napilitan ang coaching staff na ibabad sa laro ang Most Valuable Player ng liga.

Ang Game Five ay itinakda bukas sa homecourt ng Golden State.Si Damian Lillard ay may 36 puntos at 10 assists para sa Portland. Sa Miami, si Wade ay umiskor ng 30 puntos kabilang ang basket na naghatid sa laro sa overtime.

Sa overtime, naka-kumpleto si Goran Dragic ng three-point play, may 22.4 segundo na lang ang natitira para bigyan ang Heat ng 92-87 lead. Tinapos ni Dragic ang laro na may 15 puntos na tinapatan din ng kakampi niyang si Joe Johnson. Ang Game 5 ay sa Toronto bukas.

Sina Terrence Ross at Cory Joseph ay kapwa umiskor ng 14 para sa Toronto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending