Kathryn bantay-sarado pa rin ng nanay pag kasama si Daniel | Bandera

Kathryn bantay-sarado pa rin ng nanay pag kasama si Daniel

Julie Bonifacio - May 09, 2016 - 02:00 AM

kathryn bernardo

TODO SUPORTA ang mag-inang Daniel Padilla at Karla Estrada sa ina ng mga anak ni Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana sa pagtakbo nito bilang Councilor sa District 6 ng Quezon City. Matagal ng magkaibigang-matalik ang Queen Mother ni Daniel at ina ng celebrity kids na sina Athena at Harvey Bautista.

In fact, kay Tates humihi-ngi ng advise at tulong si Karla on what kind of investments ang papasukan ng pera ng kanyang anak ngayong apaw-apaw na ang kayamanan ng Queen Mother at Teen King. Mismong si Karla ang nagsabi sa amin na si Tates ang pinapahanap niya ng building na pwede niyang bilhin para ga-wing investment.  Kaya naman ngayong pumasok na sa politika si Tates numero unong supporter si Karla ng kanyang kaibigan.

‘Yung mere presence of Daniel and Karla sa rally ni Tates recently, sapat-sapat na ‘yun para manalo siya bilang councilor sa District ng Q.C.. Pero dahil sobrang love ng mag-ina si Tates, binitbit pa ni Daniel ang kanyang kalabtim na si Kathryn Bernardo sa big rally ni Tates Kaya naman lalong dinagsa ng mga taga-Kyusi ang lugar.

Na-witness din namin na kahit napakalaki na ng van pareho nina Daniel at Kathryn, hindi sila sumasakay ng sabay sa iisang sasakyan. E, gwardyado kasi ng ina ni Kathryn ang dalaga na laging kasama niya sa mga lakad. Kaya no entry si-guro si Daniel sa white Savannah van ni Kathryn dahil kay Mommy Min.

Towards the end of the program, napaluha naman si Tates sa sorpresang binigay sa kanya ng mga batang may kanser mula sa Child Haus Foundation. Hindi pa man tumatakbo si Tates ay matagal na siyang tumutulong sa mga cancer patients at pamilya ng mga ito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending