Resbak ng bashers kay Daniel: Ano'ng shut up? wala kang pakialam! | Bandera

Resbak ng bashers kay Daniel: Ano’ng shut up? wala kang pakialam!

Cristy Fermin - May 08, 2016 - 02:00 AM

daniel padilla

HULING sultada na lang ay sumabit pa sa kontrobersiya si Daniel Padilla. Nagpadala sa kanyang emosyon ang young actor, sinabihan niya ng “Shut-up na lang!” ang mga tagasuporta ng kalabang pulitiko ng minamanok niya sa panguluhan, dahil wala raw namang alam ang mga ito sa kanilang mga isinisigaw.

Ayun, dahil sa kanyang sinabi ay agad-agad na pinakain ng apdo ng grupo si Daniel, halos hindi na siya makahinga sa dami ng mga ipinukol na masasakit na salita laban sa kanya. May nagsabi sa kanya ng, “Ano’ng shut-up na lang ang mga nag-oopinyon? Wala kang pakialam sa gusto nilang sabihin! Opinyon nila ‘yun, free silang magsabi ng kung ano ang napi-feel nila!

“E, ikaw nga, hindi ka naman singer, pero kanta ka nang kanta! Ayusin mo nga muna ang pagkanta mo, ‘yan muna ang pakialaman mo at hindi ang opinyon nila, para hindi ka sintunado!” komento ng kanyang mga bashers.

Nakakaloka! Hinusgahan agad ang pagkanta ng young actor, ang boses niyang lumiliku-liko ang pinatututukan sa kanya ng grupong inatake niya, dahil tuwid na daan pa naman daw ang inililitanya niya sa entablado tuwing nangangampanya siya para kay Secretary Mar Roxas.

Hindi inakala ni Daniel Padilla na ganu’n katindi ang ibabalik sa kanya ng mga kababayan nating tulad niya ay may isinusulong ding kandidato sa panguluhan. Komento naman ng isang source, “Si DJ talaga, umariba na naman nang hindi man lang kumukunsulta sa Tito (Robin Padilla) niya, kaya ayan tuloy, sugatang-sugatan siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending