GMA 7 gagamit ng bagong technology sa E-16 coverage | Bandera

GMA 7 gagamit ng bagong technology sa E-16 coverage

Ervin Santiago - May 08, 2016 - 02:00 AM

mike enriquez

HATID ng GMA News and Public Affairs ang pinakapinagkakatiwalaan at buong-puwersang pagbabantay sa isa sa pinakamainit na presidential election sa kasaysayan ng bansa—ang Eleksyon 2016 special coverage.

Tampok sa nasabing coverage na mapapanood ngayong May 9 at 10, ang mga pinakabagong teknolohiya sa pagbabalita, kabilang na ang immersive graphics, 360-degree video camera, at live drone footage.
Pangungunahan ng GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino at Jessica Soho ang Eleksyon 2016 coverage.

Makakasama nila ang mga news anchor na sina Pia Arcangel, Jiggy Manicad, Kara David, Ivan Mayrina, Rhea Santos at Connie Sison. Higit sa pagbabalita, hihimayin nila ang mga detalyeng kailangang malaman ng publiko sa ngalan ng Serbisyong Totoo.

Kabalikat nila ang mahigit 100 GMA News reporters at stringers, DZBB reporters, at ang mahigit 300 miyembro ng RGMA provincial coverage teams mula sa iba’t-ibang sulok ng bansa mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ihahatid din ng GMA News Online ang pinakamainit na ulat sa mga Kapusong netizens, real-time—kabilang na ang partial at unofficial results para sa lahat ng posisyon sa national at local elections hanggang sa clustered precinct level—at ito ay accessible sa lahat ng uri ng devices.

Aktibo rin ang GMA News and Public Affairs social media teams sa Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, Viber, FireChat at Snapchat. Papasada ring muli ang GMA-Facebook “Para po sa Bayan” Jeepney. Hinihikayat nito ang mga botanteng ipabatid ang kanilang hinaing, hiling, o tanong para sa susunod na mga pinuno ng bansa.

Sa ibang bansa, mapapanuod ang Eleksyon 2016 coverage sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International. Katulong ng GMA sa Eleksyon 2016 coverage ang mga kilalang institusyon mula sa iba’t ibang sektor—ang COMELEC, PLDT, Smart Communications, Philippine Daily Inquirer, Philippine Center for Investigative Journalism, Inquirer.net, Catholic Media Network, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, National Citizens’ Movement for Free Elections, UP, PUP, Ateneo de Manila University, De La Salle University, Pontifical University of Santo Tomas, AMA Education System, Waze, Viber Philippines, Youth Vote Philippines, Chamber of Commerce of the Philippine Islands at ang Philippine Bar Association.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending