Guhit ng palad: Anong kapalaran ang naghihintay sa kanila?
KUNG minsan ang kapalaran ng mga Pinoy ay ibinabase sa kung anong guhit ng kanilang palad. Hindi man konkreto, pero may mga naniniwala. Kung kayat kinunan ng Banddera ng larawan ang mga palad ng apat na kandidato sa pagkapangulo, at ang isa ay hindi nagpaunlak, para mabasa at makita kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila hindi lang sa usapin ng pulitika kundi pag-ibig, kabuhayan at kalusugan.
JEJOMAR BINAY
Kaso hindi maipapanalo
HEART Line – Maayos at maganda ang guhit ng Heart Line kahit na may namataang isang malaking bilog. Ibig sabihin nito, meron siyang masaya at maayos na pamilya, habang ang malaking bilog ay babala naman ng biglang karamdaman. Kaya dapat ding mag-extra ingat siya sa kanyang kalusugan.
Head Line – Dahil straight ang head line o tuwid na tuwid ang guhit, ito ay tanda ng katigasan ng kanyang ulo, kung saan, tama man o mali ang kanyang katuwiran o ginagawa, siguradong ipagpapatuloy at gagawin pa rin niya ito.
Dahil sa ganitong attitude sa buhay may babala din na siya ang “mahatulang guilty” sa mga kinakaharap niyang kaso, na madali namang kinumpirma ng sumikip na sakop ng Life Line sa dulong bahagi nito.
Ito ang guhit sa ilalim ng palad na kumurbang papasikip o papaliit. Ibig sabihin sa huling bahagi ng kanyang buhay “mawawala na siya ng tuluyan sa limelight.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.