Guhit ng palad: Anong kapalaran ang naghihintay kay Grace Poe? | Bandera

Guhit ng palad: Anong kapalaran ang naghihintay kay Grace Poe?

Joseph Greenfield - May 07, 2016 - 03:38 PM

grace poe

KUNG minsan ang kapalaran ng mga Pinoy ay ibinabase sa kung anong guhit ng kanilang palad. Hindi man konkreto, pero may mga naniniwala. Kung kayat kinunan ng Banddera ng larawan ang mga palad ng apat na kandidato sa pagkapangulo, at ang isa ay hindi nagpaunlak, para mabasa at makita kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila hindi lang sa usapin ng pulitika kundi pag-ibig, kabuhayan at kalusugan.

GRACE POE

May likas na galing, lider, pero…
MEDYO manipis at maraming guhit ang palad – ito ay tanda ng alalahanin sa buhay at alinlangan sa kanyang sariling kakayahan.  Bagamat kapag nagtatalumpati ay akala mo siyang may tikas at tapang, pero sa kaibuturan ng kanyang pagkatao, siguradong siya ay sadyang naduduwag.

Ngunit dahil pa-square ang hugis ng palad at matambok at malaman ang Mount of Jupiter (ilalim ng daliring hintuturo), ito ay tanda na sa kabila ng takot at alinlangan sa kanyang kakayahan, hindi matatawaran ang likas niyang galing sa pamumuno at may kakaibang husay sa aspetong leadership at managerial task.

Dahil magulo ang ilalim na bahagi ng palad at maraming sala-salabit na guhit, ito ay tanda na sadyang magulo ang unang bahagi ng kanyang buhay, ngunit dahil lumilinaw at gumaganda na ang itaas na bahagi ng palad, ibig sabihin habang siya ay nagkaka-edad lumilinaw at naayos na kung ano ang kanyang dapat na bigyang prioridad.

Fate Line at Sun Line – Dahil hindi gaanong malinaw at Fate Line at Sun Line malabo din siyang manalo sa darating na halalan. Ngunit tulad nang nasabi na, dahil siya ay nagtataglay ng “hugis square” na palad, at magkahiwalay na Head Line at Life Line, ito ay tanda na ang sobrang determinasyon at will power ang posible pa ring magdala sa kanya sa Malacanang.

Ibig sabihin, kung tutuusing mabuti, wala sa kapalaran ni Senador Grace Poe ang maging pangulo ng bansa, sa halip ito ay isang hamon sa kanyang pagkatao na gagawin palang niya kung sadya ngang magiging buo ang kanyang loob at kursunada.

Dahil hindi naman sumikip ang sakop ng Life Line sa dulong bahagi ng kanyang palad, sa huling yugto ng kanyang buhay, mananatali siyang sikat, iginagalang at kinikilala ng taumbayan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending