Abra isinailalim sa Comelec control | Bandera

Abra isinailalim sa Comelec control

- May 05, 2016 - 04:01 PM

abra
INILAGAY na ang Abra sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) sa harap naman ng mga reklamo ng harassment at vote-buying.
Sinabi ni Abra election supervisor Richelle Belmes-Beronilla na hindi pa natatanggap ng regional office ang desisyon ng Comelec en banc.
Noong 2010, inilagay din ang Abra sa Comelec control.

“I don’t really have details of what we are expected to do without a copy of that resolution but we will also require more policemen and soldiers to augment security,” sabi ni Beronilla.
Idinagdag ni Beronilla na umabot sa 28 ang mga kaso ng pamamaril na may kaugnayan sa eleksiyon.

Noong Abril 6, binaril at napatay si Crispin Magwellang, sa bayan ng Baay Licuan matapos dumalo ng isang kasal sa Malibcong. Si Magwellang ay tumatakbo sa pagkonsehal.

Noong Abril 16, isang bomba ang sumabog sa bayan ng La Paz.
Noong Abril 24, napatay ang supporter ng isang kumakandidato sa pagka-mayor sa bayan ng San Juan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending