Sharon malaki na ang ipinayat, naghahanda nang sumabak sa pelikula at teleserye | Bandera

Sharon malaki na ang ipinayat, naghahanda nang sumabak sa pelikula at teleserye

Ervin Santiago - May 05, 2016 - 01:52 PM

20160504_191034
MAHIGIT 35 pounds na raw ang nabawas sa timbang ni Megastar Sharon Cuneta at tuluy-tuloy pa rin ang ginagawa niyang pagpapapayat para makuha ang kanyang ideal weight.
Masayang ibinalita ng singer-actress ang unti-unti niyang pagpayat sa pamamagitan ng natural na proseso sa political rally ng kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan na ginanap sa Celebrity Sports Center sa Q.C.. Tumatakbo uling senador ang kanyang mister sa ilalim ng Liberal Party.
Ayon kay Mega talagang determinado na siyang ibalik ang dati niyang katawan bilang paghahanda na rin sa kanyang major comeback sa showbiz, lalo na sa akting.
“So far 36 pounds ang bilang ko since December. Nag-start na ako dahan-dahan kasi may movie na, tapos may show na, tapos sabihin ko na may CD na at iba pang sorpresa this year,” ani Sharon nang makachikahan sandali ng ilang members ng entertainment media habang nasa tabi naman niya si Kiko.
Ayon kay Mega, totally inalis na niya ang carbs sa kanyang diet. Regular din ang kanyang exercise.
Bukod sa gagawing pelikula, teleserye at bagong album, kasama na rin si Sharon sa pagbabalik ng The Voice Kids bilang coach, siya ang napili ng ABS-CBN na kapalit ni Sarah Geronimo.
“Sabi ko when will I do it kapag 60 na ako? 55? I wasted so many years so let’s do it na. Nakaka-miss na rin mag-shooting. Parang iba ang TV sa pelikula,” sey ng Megastar.
Siyempre, naitanong din kay Shawie kung ano ang reaksiyon niya sa paghihiwalay ng mga kaibigan niyang sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, siya kasi ang naging matchmaker ng dalawa.
“Actually hindi ko pa siya ma-text. Kanina ko lang nalaman. Hindi ko pa sila ma-text. Pareho ko sila kaibigan pero siyempre mas close sa akin si Zsa Zsa.
“Of course, I’m sad for a friend who I am expecting is going some heartache now. Kapag ganon, you don’t bother them muna. You let them or give them a period to mourn, ‘wag ka munang pasok. I’m not kasi mapapel, e,” pahayag pa ng misis ni Sen. Kiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending