Duterte payag na isapubliko ang mga bank record mula 1996 pero…
SINABI ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na handa siyang isapubliko ang kanyang bank record hanggang 20 taon pero meron siyang isang kondisyon…mauuna ang kanyang mga katunggali sa pagkapangulo.
“Gawin na niyang 20 years…Bakit ako lang? Ano ako uto-uto nila? Pareho kaming tatakbong presidente, bakit ako lang?” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na niloloko lang niy si nang sabihin niya kay Sen. Antonio Trillanes IV na meron siyang mas mababa sa P211 milyon sa kanyang mga bank accounts.
“Hinila ko lang siya nang hinila kasi gusto ko siyang mag-execute ng affidavit… If he signs an affidavit stating that this is my account and the amount deposited,” dagdag ni Duterte habang nagmumura.
Sinabi ni Duterte na aabot lamang sa P17,000 ang kanyang account sa BPI Julia Vargas branch, bagamat ito ay mula Disyembre 2015 hanggang Abril 28, 2016 lamang.
Ayon kay Trillanes, nangyari ang milyong-milyong deposito noong 2014.
Nakatakdang magkita si Trillanes at abogado ni Duterte na si Atty. Salvador Panelo ngayong araw sa BPI branch para buksan ang bank account ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.