Youth groups itinanggi si Leni Robredo | Bandera

Youth groups itinanggi si Leni Robredo

Bella Cariaso - May 01, 2016 - 03:00 AM

PINATAWAD na nga ng publiko ang ginawang pagyayabang ng kampo ni Camarines Sur Leni Robredo na ito na ang nangunguna sa survey sa pagka-bise presidente, kahit na mali pala ang impormasyon, eto at may bago na namang kapalpakan ang pambato ng Liberal Party (LP).

Ayon sa LP at sa kampo ni Robredo, ang huli umano ang inendorso ng mga grupo ng mga kabataan na League of Filipino Students (LFS) at ANAKBAYAN.

Pero mariin itong itinanggi ng dalawang grupo at kinondena pa nila ang taktika ng LP ng panloloko sa mga botante para mapagtakpan ang palpak na kampanya ng administrasyon at sa harap na rin ng pagka-disgusto sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

Sa isang pahayag na ipinost sa opisyal na website ng LP, sinabi ng campaign team ng partido na nagpahayag na ng suporta ang Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) sa kandidatura ni Robredo.

Binanggit din ng pahayag ang LFS at ANAKBAYAN, na kaalyado ng student political party ng SAMASA, Polytechnic University of the Philippines (PUP) at ng University of the Philippines Visayas (UPV) sa Iloilo.

Itinanggi ng SAMASA na may kinalaman ito sa naturang pahayag na sumusuporta kay Robredo.
Nananatili ang SAMASA bilang nangungunang student political party sa PUP at UPV.

Iginiit naman ng Anakbayan at LFS na kailanman ay hindi nito ieendorso ang kandidato ng LP sa pagka-bise presidente.

Sinabi pa ng youth groups na naging madilim na panahon para sa mga estudyante ang
anim na taong pamumuno ni Aquino.

Ayon pa sa LFS at ANAKBAYAN, tinatayang anim na mga mag-aaral ang nag-suicide sa ilalim ng administrasyon, kasama na ang UP freshman na si Kristel Tejada na nagpakamatay dahil sa walang pambayad ng tuition.

Sinabi pa ng student groups na mula sa average na P30,000 hanggang P50,000 na halaga ng tuition sa simula ng administrasyon ni Aquino, ito ay pumalo sa P60,000 hanggang P100,000 noong 2015.

Ayon pa sa LFS at ANAKBAYAN, taon-taon ay tinatapyasan din ang budget na inilalaan para sa state universities at colleges.

Hindi naman masama na mag-endorso ang iba’t ibang grupo sa isang kandidato, ang masama ay kung ginagamit ang mga grupo sa pangangampanya nang wala namang basbas mula sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inaasahan natin na target ng mga kandidato ang mga kabataan dahil sa dami nila, pero sana magsabi ng totoo ang kampo ni Leni gaya ng sinasabi ni PNoy at huwag gamitin ang mga grupo ng mga kabataan para makakuha ng simpatiya at boto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending