Sam Milby tinawag na beauty queen killer | Bandera

Sam Milby tinawag na beauty queen killer

Reggee Bonoan |May 01,2016
facebook
share this

Sam Milby tinawag na beauty queen killer

Reggee Bonoan - May 01, 2016 - 02:00 AM

sam milby

SA nakaraang thanksgiving presscon para sa seryeng Doble Kara ay natanong si Sam Milby kung ano ang relasyon nila ni Binibining Pilipinas Universe 2014 MJ Lastimosa dahil nakita raw silang magkasama sa isang event.

Tinukso tuloy si Sam na isa pala siyang beauty queen killer dahil nga close rin siya kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. “Si MJ?” nagtatakang tanong ni Sam. Sabay sabing, “We have common friends, kaibigan siya nina John (Prats) and Isabel (Oli).

Nagkataon lang na magkakasama kami that time. Wala naman po,” depensa ng aktor. Oo nga, wala naman ikinuwento ang source namin na naugnay si Sam kay MJ dahil si Pia yata talaga ang type ng Rockoustic Heartthrob noon pa pero pareho silang may karelasyon noon at higit sa lahat, bestfriend ng Doble Kara leading man ang boyfriend ni 2015 Miss Universe.

Hindi naman kami sinasagot ni Sam nu’ng ilang beses naming banggitin na nauugnay na si Pia kay Dr. Mike. Hmmmm, may selos factor kayang nararamdaman ang binata? Anyway, huwag palampasin sina Julia Montes kasama ang iba pang cast ng Doble Kara na magbibigay saya at magpapa-abot ng taos-pusong pasasalamat sa mga tagasubaybay ng kanilang serye sa Bulacan at Cavite.

Sa May 13 ay nasa SM Trece Martires si Julia kasama sina Maxene Magalona, Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles. “Sa loob ng walong buwan, naramdaman ko po talaga yung journey ng kambal at yung suporta ng mga tao. Marami pa po kayong dapat abangan sa bagong yugto ng buhay ng kambal ngayong may anak na sila,” ani Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending