Sam 3 taon pa ang hihintayin bago makapag-asawa
NAKAKABILIB na ang pagsasalita ng Tagalog ng leading man ni Julia Montes sa Doble Kara na si Sam Milby. Kita naman na sobrang nag-e-effort talaga ang aktor na matuto at maging dalubhasa sa pagsasalita ng Tagalog.
Ang kyut ni Sam kapag sumasagot siya sa mga tanong during the thanksgiving presscon ng Doble Kara in Tagalog, huh! Nako-conscious na siguro si Sam kapag tinutukso siya ng mga kaibigan niya na dapat matuto na siyang magsalita ng diretsong Tagalog since matagal na siya dito sa Plipinas.
Mukhang dahil sa pagta-Tagalog ni Sam kaya extended muli ang Doble Kara. Thankful din siya dahil kahit late na siya pumasok sa teleserye nila ni Julia last November, e, marami pa ring televiewers ang nagkagusto sa loveteam nila.
Pagdating naman sa lovelife ni Sam, tikom pa rin ang bibig niya. Ni kapirasong word ay ayaw niyang magsalita sa nababalitang apple of the eye niya ngayon named Jasmine.
“Uh, lahat ng kaibigan ko, actually si John Prats nga may bagong member na ng family niya. Lahat ng mga kaibigan ko, kaedad ko, they’re all having families,” sey ni Sam.
Hindi raw siya naiinggit sa mga friend niya na may sariling pamilya na ngayon. Mas excited daw siya dahil alam niya na darating din ‘yung time niya to have his own family.
“Sa ngayon, ang daming blessings. I’m gonna be starting a new movie later this year. Sobrang nagpapasalamat din ako sa Doble Kara na, it’s doing so well and work with one of the best talaga, si Julia. She’s really amazing. I have so much respect for Julia. I’d like to have a family three…four years,” pag-amin ni Sam.
Bukod sa bagong movie, may nakaantabay pa na isang bagong teleserye for him together with Toni Gonzaga and Piolo Pascual, ang Written In Our Stars.
Hindi pa raw alam ni Sam kung ano ang mangyayari sa serye nila after aminin ni Toni na buntis na siya.
Clueless din siya kung si KC Concepcion na ang ipapalit kay Toni sa WIOS.
With regards naman sa plano niya na makapasok sa international scene, partikular sa Hollywood, kasama pa rin daw ‘to sa plano niya sa buhay.
“That’s still in my plans naman pero siyempre ang daming blessings din naman dito. ‘Yung Doble Kara dire-diretso pa rin. But next year gusto ko kung may time para sa ma-experience lang ‘yung auditioning. Kasi may management ako doon na nagme-message, they send e-mail pa rin sa akin about auditions, kung pwedeng mag-send ng videos,” esplika ni Sam.
At the moment, tutok muna si Sam sa lalo pang gumaganda at top-rating Kapamilya Gold drama series nila ni Julia. Huwag palampasin ang panibagong kabanta ng Doble Kara, tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.