Trudeau hindi pa nakakausap ni PNoy matapos ang pagpugot sa Canadian national? | Bandera

Trudeau hindi pa nakakausap ni PNoy matapos ang pagpugot sa Canadian national?

- April 26, 2016 - 02:50 PM

trudeau
IPINAG-UTOS kahapon ni Pangulong Aquino sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tiyak na mapapanagot ang bandidong Abu Sayyaf matapos naman ang pagpugot sa bihag na Canadian national noong Lunes.

Inamin naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na hindi niya batid kung nakausap na ni Aquino si Canadian Prime Minister Justin Trudeau kaugnay ng pagpugot kay John Ridsdel.

“The President has directed the security forces to apply the full force of the law to bring these criminals to justice,” sabi ni Coloma.

Idinagdag ni Coloma na simula noong isang linggo nakikipag-ugnayan na si Foreign Affairs Secretary Jose Rene Almendras sa Canadian foreign ministry at ang embassy nito kaugnay naman ng ultimatum na ibinigay ng Abu Sayyaf na nagtapos noong Lunes.

“We extend our deepest sympathy and condolences to the Canadian government and to the family of Mr. John Ridsdel who died in the hands of the ASG bandits,” dagdag ni Coloma.

Si Ridsdel ay isa sa dalawang Canadian national na dinukot ng Abu Sayyaf kasama ang isang Norwegian national at isang Pinay sa Samal Island, Davao Del Norte noong Setyembre 2015.

“There will be no let-up in the resolute efforts of the joint PNP-AFP task group in pursuing intensive and wide-ranging military and law enforcement operations to neutralize these lawless elements and thwart further threats to peace and security,” ayon pa kay Coloma.

Humingi ang Abu Sayyaf ng tig-P300 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng dalawang Canadian national.

Nagdesisyon naman si Aquino na ikansela ang nakatakdang pangangampanya sa Dipolog kahapon para magmonitor ng patuloy na operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf.

Kinondena na ni Trudeau ang pagpugot sa kanyang kababayan.

Matatandaang kasama si Trudeau sa mga bumisitang mga lider noong Nobyembre 2015 para dumalo sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) na ginanap sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending