Sheryl Cruz 'Negastar', inggit na inggit kay Grace Poe | Bandera

Sheryl Cruz ‘Negastar’, inggit na inggit kay Grace Poe

Cristy Fermin - April 25, 2016 - 02:00 AM

sheryl cruz

Kung may nawala, may dumating, parang ganu’n ang nangyari kay Senadora Grace Poe. Nakakapanghinayang isipin na basta na lang nasira ang kanilang relasyon ni Sheryl Cruz nang dahil lang sa pulitika.

Si Sheryl ang nagsimula nang magpainterbyu ito nu’ng kapuputok pa lang ng balitang tatakbo sa panguluhan si Senadora Grace. Maraming nagulat sa kanyang mga pahayag, kung maraming natuwa sa desisyon ng senadora, nagpakita naman ng pagkontra si Sheryl.

Marami tuloy ang nagduda na may partidong kumukuha sa aktres para lang siraan ang itinuring nang tunay na anak ng kanyang tiyahing si Ms. Susan Roces. Hanggang ngayon ay ganu’n pa rin ang impresyon kay Sheryl, ninenega nito ang kandidatura ni Senadora Grace, lalo na’t dumating pa ang kanyang ina nang wala man lang pasabi kay Manang Inday.

Pero naging pambalanse sa sitwasyon si Lovie Poe, ang kanyang kapatid sa ama, dahil matindi ang suportang ibinibigay nito sa kanyang kandidatura. Komento ng kaibigan naming propesor, “Matagal ko nang iniisip ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Sheryl.

Wala akong maisip na ibang dahilan kundi inggit. Dahil kundi siya naiinggit kay Senadora Grace Poe, e, hindi siya magiging ganyan kanega!” Sa kabila ng mga sinasabi ni Sheryl ay walang anumang maririnig mula sa kanyang tiyahin, positibo rin ang pahayag na pinakawalan ng tumatakbong pangulo tungkol sa mga pinagsasasabi nito, ‘yun ang napakalaki nilang pagkakaiba. Alam na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending