Binay muling hinamon ang mga kalaban na pumirma ng waiver sa AMLC; ilabas ang medical record | Bandera

Binay muling hinamon ang mga kalaban na pumirma ng waiver sa AMLC; ilabas ang medical record

- April 24, 2016 - 03:44 PM

JOJEMAR BINAY, RODRIGO DUTERTE, GRACE POE AT MAR ROXAS

JOJEMAR BINAY, RODRIGO DUTERTE, GRACE POE AT MAR ROXAS


MULING hinamon ni Vice President Jejomar Binay ang kanyang mga katunggali na sumailalaim sila sa imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at isapubliko ang medical certificate na nagpapatunay ng kanilang kalusugan para tumakbo sa pagpakapangulo.
Ginawa ni Binay ang pahayag ilang oras bago magsimula ang huling debate ng mga tumatakbo sa pagkapangulo sa Dagupan City, Pangasunan.
Idinagdag ni Binay na wala pang tumutugon sa kanyang hamon na pumirma sila ng waiver na nagbibigay ng otorisasyon sa AMLC para imbestigahan ang kanilang mga bank account.
Nauna nang pumirma si Binay ng waiver para maimbestigahan ng AMLC ang kanyang mga bank account.
“Kung wala tayong itinatago, kung lahat tayo ay naniniwala na dapat ihayag natin ang lahat sa ating mga kababayan, kung lahat tayo nagsasabi na pabor tayo sa freedom of information, pirmahan ninyo ang waiver. Magpa-AMLC din kayo,” sabi ni Binay.
Nauna nang sinabi ng AMLC na aabot sa 242 ang joint account ni Binay kung saan gumagamit siya ng mga dummy. Ayon sa AMLC na tinatayang P11 bilyon ang nakadeposito simula noong 2008.
“Nanawagan din ako sa aking mga kapwa kandidato sa pagkapangulo na magpakita ng kanilang medical certificate. Ngunit tulad ng AMLC waiver, wala ni isa sa kanila ang tumugon. Kaya inuulit ko, sa aking mga kapwa kandidato, kung wala tayong itinatagong sakit – psychological man o physical man – magpakita rin kayo ng medical certificate,” dagdag ni Binay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending