Duterte namayagpag sa bagong Pulse Asia Survey; poll ginawa bago pa ang 'rape joke' | Bandera

Duterte namayagpag sa bagong Pulse Asia Survey; poll ginawa bago pa ang ‘rape joke’

Leifbilly Begas - April 24, 2016 - 02:11 PM
MULING nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa presidential survey na isinagawa ng Pulse Asia para sa ABS-CBN 2 mula Abril 12-17. Nakakuha si Duterte ng 34 porsyento mas mataas sa 32 porsyento na nakuha niya sa survey noong Abril 5-10. Ginawa ang survey bago pa pumutok ang kontrobersyal niyang rape joke noong Abril 16 sa isang campaign rally. Pinakamataas si Duterte sa National Capital Region (43 porsyento at Mindanao (61 porsyento). Nakakuha naman siya ng 20 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon at 28 porsyento sa Visayas. Pumangalawa naman si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 22 porsyento, bumaba ng 25 porsyento sa mas naunang survey. Si Poe ang may pinakamataas na nakuha sa iba pang bahagi ng Luzon (30 porsyento). Sa NCR siya ay pangalawa (22), pangatlo sa Visayas (20), at Mindanao (10). Nasa ikatlong pwesto naman si Vice President Jejomar Binay na may 19 porsyento o isang porsyentong pagbaba habang nasa ika-aapt si Mar Roxas ay nangunguna sa Visayas (34 porsyento), pang-apat sa NCR (11) at iba pang bahagi ng Luzon (14), at pangalawa sa Mindanao (17). Panglima naman si Sen. Miriam Defensor Santiago na may dalawang porsyento. Kinuha sa survey ang opinyon ng 4,000 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 1.5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending